Chapter 34
Hindi natuloy ang pag-uwi ko sa El Diego. I informed Ruco to tell everyone that I'll be missing for days. Hindi ko sinabi ang eksaktong araw kung kailan ako babalik dahil maging ako ay hindi parin makapagdesisyon kung babalik agad.
I wanted to stay here for the mean time. I wanted to attend Mom's funeral. Gusto ko ring araw-arawing bisitahin ang puntod niya pagkatapos.
Alam ko namang hindi papayag si Ena pero wala naman siyang magagawa. Anak din ako ni Mommy. I also have the rights. Gusto ko lang siyang makita sa huling pagkakataon. Gusto ko lang din siyang makasama kahit na nasa magkabila na kaming mundo.
If Ena's gonna make a scene if I visited the burial then it's up to her.
Kung hanggang sa burol pa ni Mommy niya paiiralin ang katigasan ng kaniyang ulo, wala na akong magagawa roon.
Magdamag akong umiyak sa aking silid yakap yakap ang litrato ni Mommy. Kinaumagahan ay sinubukan kong makibalita kay Ena. Kinapalan ko na ang mukha ko dahil wala naman akong ibang mapagtanungan.
"Sino'ng may sabing puwede kang pumunta? The thickness of your face is really something –"
"Shut up, Ena. Anak din ako ni Mommy–"
She cut me off with her sarcastic laugh. "But you're the reason why she died yesterday–"
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Am I really the one, Ena? In the first place bakit nga ba nagkasakit si Mommy? She's very healthy when she left me! Ikaw ang nakasama niya sa mga taong nagdaan! You neglected her!"
"Shut up bitch! Wala kang alam kaya manahimik ka d'yan! You know? Kung akala mo papayagan kitang pumunta sa burol ni Mommy? Nagkakamali ka! Hindi ko hahayaang makalapit ka sa kaniya sa huling pagkakataon!"
I gritted my teeth in rage. "Can you stop being selfish for once, Hailena?!"
Nanghihina kong ibinaba ang aking cellphone nang mapagtantong pinatay niya na ang tawag. Lumunok ako at umupo sa aking kama.
What should I do now? Hailena is just too hard headed. She's holding on quite to her pride and stubbornness. Sa totoo lang pikon na pikon na ako sa kaniya. I just respect my Mom so much. Alam kong ikakagalit niya kapag pinagsalitaan ko ng masama si Ena.
Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha.
Damn, I'm hopeless.
Hindi ako makakain sa pag-iisip kung ano'ng sunod kong gagawin. I just need to find out where will she held my Mom's burial. Sino ang pagtatanungan ko? Sino ba ang kilala kong malapit kay Hailena liban sa matalik niyang kaibigan noon...
I stiffened when I remember what happened before...
"Sahil.." naibigkas ko.
I gulped then I shook my head. Hindi puwede. Hindi na siya puwedeng makisabat pa sa buhay ko. I don't need him. Oo mahal ko pa siya pero hindi malulutas ng pagmamahal na iyon ang problema ko ngayon.
Pumikit ako ng mariin at napasabunot sa aking buhok.
But he's my only choice... Kung paiiralin ko lang din ang pride ko, paano ko masisilayan si Mommy? Paano ako makakapagpaalam sa kaniya ng maayos? Paano ako makakapag-sorry? I cannot be like Ena. I am not Hailena. Hindi kami magkatulad. Hindi ako kakapit sa pagmamatigas. Kaya ko namang kalimutan muna ang aking pride para kay Mommy.
Bumuntong hininga ako at sumang-ayon sa sarili.
Right! Sahil is my only hope to see my Mom. Pagkatapos naman ng magiging pabor ko na ito ay tatanggalin ko na muli siya sa buhay ko. It's not that I finally let him in, in my life just because I ask a favor from him. Siguro mas tamang sabihin na, babalik muli kami sa dati.