Chapter 37
Nakatulala ako sa kawalan. Ubos na ang mga luha. Kahit gusto ko pang umiyak tila wala ng mailabas na likido ang aking mga mata.
Huminga ako ng malalim.
Sinunod ko ang gusto ni Ena. Sandali ko lamang na pinagmasdan si Mommy habang tahimik na umiiyak. Maya-maya ay pinaalis niya na kami. Hindi na ako nagmatigas. Sahil just silently followed me. Ni hindi na pinansin pa ang pagpaparinig ni Ena.
Though I feel like he's holding something in him. I can trace outrage in his face. Nakakuyom lamang ang mga kamay niya at pasimpleng tumitiim ang bagang. Kita ko iyon. Galit siya. Pinipili lang na kimkimin.
Tahimik kaming umalis sa burol ni Mommy. Ni hindi siya nagtanong man lang at dinala na ako sa lugar kung saan puwede kong isigaw ang aking frustration at sakit na nararamdaman. Nakaupo ako sa nakausling malaking sanga ng kahoy.
He was silent all the time. He was leaning on the narra tree. Alam kong nasa akin parin ang tingin niya.
Gustuhin ko mang ilabas ang lahat ng nararamdaman, I don't think I can do it with him just around. Mariin at brutal ang titig. Imbis ng nanghihina na nga, mas lalo pang nakakapanghina mapukulan ng kaniyang mga mata.
Hindi ko inasahan na aabutin ng ilang oras ang pagkatulala ko. Madilim na at hindi na masyadong kita ang tanawin. Doon ako nagpasyang tumayo. His intense gaze welcomed my eyes.
Sa kabila ng marubdob niyang mga tingin, nabakas ko parin doon ang pagsusumamo at pananantiya. Gusto ko nalang mapailing sa reaksyon ng aking puso.
"Where do you wanna go, hmm? Gusto mo nang umuwi?" malambing niyang tanong habang lumalapit sa akin.
"Are you hungry?" dugtong niya pa.
Tila isa akong istatwang hinintay siyang makalapit. I'm too drained to follow my mind's orders. Hindi ko na kayang mangtaboy o magmatigas. Nakakaubos pa iyon ng lakas.
Inangat niya ang kaniyang palad patungo sa aking pisngi habang ang isa ay gumapang patungo sa aking baywang.
Malamig na ang simoy ng panggabing hangin. Sa nipis ng suot kong bistida hindi ko iyon inalintana. Sa katunayan, mas ramdam ko pa ang init na galing sa kaniyang mga palad. Napapikit ako at tahimik iyong dinama. Tuluyan ng hinahayaang tangayin nang dumaraang hangin ang galit na matagal kong kinimkim.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang mahigpit niyang yakap. Ang mainit din na hininga ay tumatama sa aking buhok.
I'm safe again. In his arms. Ngayon ay muli kong naramdaman ang mainit kong mga luha. I let it fall freely. Hinigpitan ko lalo ang yakap kay Sahil.
"Hmm, I'm here. You can lean on me. Hindi kita iiwan.. bibitawan.. I'll stay on your side, baby.."
Kinagat ko ang ibabang labi at mas lalong napaiyak.
What else can I do for defense? What should I do? He just keeps on winning me back. Ilang beses ko man ipaalala ang narinig noon. It's like everything in me is dodging that memory. Na wala ng kwenta iyon. He already explained about that. He didn't played with my feelings. He didn't used me. All I heard was a miss understanding.
Ano pa ba ang iisipin ko para maitaboy siya? Wala na akong maisip..
Gusto ko nalang...
I sighed.
Can I just take back everything I said and take him back instead? I think I might need his love this time. His warmth. His intense gazes. Everything he can offer. I need those. Badly.