Chapter 38
Halos limang buwan akong nanatili sa siyudad dahil hindi ko pa kayang iwan si Mommy. Tuwing hapon ay pumupuslit ako sa pagbisita sa kaniya. I was thankful that I never bumped into Ena while visiting her. I don't even know if she's visiting our Mom. Hindi ko na inisip pa.
I was done crying. Iniyak ko na lahat ng sakit na nararamdaman sa mga araw na nagdaan dahil alam kong hindi magugustuhan ni Mommy kung araw-araw akong magluluksa.
In those days, Sahil was always with me despite of his busy schedule. Madami siyang trabaho dahil sa mga kompaniyang nasa kamay niya. Palagi ko nga siyang tinatanggihan at pinapagalitan kapag sinasabi niyang sasamahan niya ako pero lagi rin siyang nagmamatigas.
Eventually, he'll always win. Hinahayaan ko nalang dahil mukha namang masaya siya. I am happy too.
Little by little, I am accepting that Mom is not here anymore. She's already in heaven with Dad. I know that they're finally happy together. Unti-unti rin ay nabubuhay muli ang saya sa puso ko. 'Cause I know that I'm not alone anymore. Kasama ko si Sahil.
Ni minsan ay hindi niya pinaramdam sa akin na mag-isa nalang ako. The love that I buried in the deepest of my heart finally unfolded letting me forget the hatred and hostility I felt for him.
Ang dami kong naging maling desisyon. I should be thankful because he never surrendered. Kung sakaling sumuko nga siya.. baka hindi ko kinaya ang pinagdaanan ko ngayon.
Ngayong araw ay napagdesiyonan kong umuwi na sa El Diego. Biglang pumasok sa isip ko ang plantasyon. Ena sold it, she said. So far, I didn't received a call from Ruco telling me that someone is claiming the land. Maayos naman daw ang lahat kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
I'm grateful that I have a very hard-working and understanding employees. Hindi nila pinabayaan ang plantasyon habang wala ako. They are the one who took care of everything while I was studying too.
Oh, I so love the people around me. I really appreciate them.
Bago umalis ay nag-desisyon akong tawagan muna si Sahil. Ang sabi niya kahapon ay pupunta siya rito ngayon. I agreed but my mind changed. Naisip kong may naghihintay din palang trabaho sa akin doon sa El Diego. Nakakahiyang palagi nalang wala ang may-ari ng plantasyon.
After all, I now feel better.
"I'll go home today." I informed.
He hummed softly. "Okay then, susunod ako."
Parang hindi man lang nag-isip at nagdesisyon agad.
Ngumuso ako. "You got a business to run, Sahil. Ba't ka naman susunod?"
"I don't want you far from me." I even heard him chuckle. "Kung nasaan ka, doon din ako."
It silenced me for a second. I felt my cheeks burning in shame!
"God, Sahil! Stop that!" nangingiti kong saway.
I really hate it when he's throwing lines like this. Hindi ko alam palagi ang isasagot. Kasi naman hindi siya ganiyan noon. He's apathetic! Malamig at walang pakialam sa palagid niya. Hindi mo maiisip na marunong bumanat!
"Kinikilig ka?" malisyoso niyang tanong.
God, I don't even know kung matutuloy pa ba ako sa pag-uwi. It's just that my heart's beating violently, I feel like it's gonna burst in no time.
"I'll drop the call, masyado ka.."
He chuckled again. "Alright baby, I'll follow after my meeting."
I only hummed. "Bye."