Chapter 28

54 3 6
                                    

Chapter 28





My happiness is overflowing and I feel like I cannot contain all of it inside me.

Lalo na no'ng umuwi sina Mommy. My birthday is nearing. I'll be turning eighteen. Ilang araw nalang. Mukhang naalala naman nila dahil grabe ang paghahanda nila. Hindi na rin ako inabalang tanungin kung anong mga gusto kong mangyari. Sila talaga ang nag-aasikaso. Marahil bumabawi no'ng nakaraang taon.

Dahil doon ay nawala ang sama ng loob ko sa kanila na matagal tagal ko ring kinimkim. It's bad to nourish all that negative feelings. Kaso lang ay hindi ko makalimutan. Ngayong bumabawi sila, I'll finally free it.

Sa bahay lang ako halos araw-araw. Lumalabas lang tuwing kakain o tatambay sa pool.

Minsan na nga lang ako napapadpad doon dahil ayaw kong sirain ang mga plano nina Mommy. I noticed that they're planning my birthday party secretly. Ayaw ko namang masira ang plano nila.

Gustuhin ko mang lumabas at puntahan si Sahil ngunit wala siya ngayon sa El Diego. Nagpaalam na pupuntang siyudad dahil may aasikasuhin daw. Hindi na ako nagtanong kung tungkol saan. Ayaw kong manghimasok kahit pa girlfriend niya ako. Ang pangit naman no'n. We're not yet married. Siguro kapag kasal na kami ay saka ko siya tatadtarin ng tanong.

I was busy rumbling around my bed when my phone suddenly rang.

It was Kaira.

Kunot noo kong sinagot ang kaniyang tawag. Well, we're still friends pero I know that they're aware about the boundaries I've put. Alam nilang kung mag-aaya silang uminom kami ay tatanggi na agad ako. Kaya ngayon ay hindi ko alam kung bakit tumatawag sjya.

"Hello?"

"Thank god you answered!"

Mukhang kabado ang boses niya.

"Why? May masama bang nangyari?"

"Well, you see, Nova is so drunk. Ayaw niya pang umuwi at inom ng inom kahit sobrang lasing na, can you come here? Help us!"

Saglit akong natigilan. Hindi alam kung ano ang isasagot. They're aware that Nova and I were not friends anymore. Bakit sa'kin sila humihingi ng tulong? They can call her Kuya. Mapagalitan na kung mapagalitan. They should face the consequences of their revelry.

"I'm afraid I can't. Sorry–"

"She's looking for you! Gusto niyang mag-sorry, she mumbled that..."

Nakagat ko ang ibaba kong labi.

Well fine. Mabuti na ring magkaayos kami dahil palapit na ang aking kaarawan. I wanted to invite her atleast.

"Nasaan kayo?"

"You know, nandito kami sa dalampasigan..."

"Saang parte?"

"You know Sahil's rest house right? Malapit lang doon. Gosh Nova! Don't puke here!" rinig ko nga ang pagsuka ni Nova sa kabilang linya pero hindi ako nag-alala roon.

Tumatak sa isip ko ang isa niyang sinabi. Why the hell they would choose to drink just near Sahil's rest house? Si Nova na naman ang may gusto nito, I know.

I suspired heavily. Nagdalawang isip kung pupunta pa o hindi na. Bigla na naman kasi akong nainis. Nagpapapansin ba siya? Good thing Sahil's not around.

"Get here immediately! We saw your boyfriend talking to a woman!"

Nahigit ko ang aking hininga at mabilis na napatayo. Hindi na nagdalawang isip pang magbihis. I was wearing a maong skort and a very revealing croptop. Hinablot ko nalang ang nakita kong jacket na naiwan ni Sahil.

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon