Chapter 40
"You what? You were the one who gave her the money?!" ulit ko sa sinabi niya.
"Hmm. Let's swim?" baling niya sa nananahimik na pool. Kakatapos lang naming kumain ng dinner at dito niya gustong tumambay.
I gasped in disbelief.
He's the fake buyer of my land! The reason why Raven is here. Siya ang inutusan niya sa lahat. Kaya naman pala sobra ang inis niyon sa kaniya!
And Ena? Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! I was done with this issue! Papalampasin ko na sana at naghihintay nalang na humarap sa akin ang taong bumili ng lupa dahil bibilhin ko nalang pabalik. It is shocking to know that it's actually Sahil!
Ngayon mahihirapan akong kumbisihin siyang tanggapin ang bayad ko. Ngayon palang na sinisita ko siya ay tila wala ng pakialam. Ngumunguso lang at binabago pa ang usapan.
"Sahil!"
Inangatan niya lang ako ng kilay at hinila patungo sa may pool.
"You're not listening to me!"
He chuckled then he kissed my cheeks. Pinupog niya iyon ng halik pababa sa aking leeg.
"Let's not talk about it, baby." malambing niyang sagot.
Pumadyak ako at bahagyang lumayo sa kaniya. "I wanted to pay you back! Sobrang laki ng hiningi niya, for sure!"
"Baby, it's nothing. Really."
Hinila niya akong muli at hinalikan sa sentido.
"Kahit na, gusto ko paring bayaran iyon. Babayaran ko 'yon!"
Huminga siya ng malalim at umiling sa sinabi ko.
His lips protruded. "You're gonna marry me, baby. Ang pera ko ay pera mo na rin. I paid her with my money, basically it's your money as well."
Natahimik ako. God, I can't win against him! Wala na akong magagawa kung ganito siya kapursigidong tumanggi.
Umirap ako at padabog na dumiretso sa pool. Inilublob ko ang dalawa kong binti. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. I glared at him. Hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa pagtanggal ng suot niyang damit. Mabilis akong umiwas ng tingin.
"Galit ka?" aniya habang inilulubog din ang magkabilang binti sa tubig.
"Hindi. Nahihiya lang ako. It's definitely a big amount of money. I feel like–"
"Don't think about it anymore, hmm? It's really nothing baby. It's just a penny for me." ngumisi siya at tuluyan ng inilubog ang buong katawan sa tubig.
I can only gasp. Seriously, Sahil?!
Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. I didn't take off my clothes since it's already night. Malamig na ang tubig. Kalaunan ay napamura nalang dahil mukhang maling desisyon ang hindi ko pagtanggal ng damit. Damn, mas malamig pala!
I was about to take my shirt off when Sahil's arms writhe on my waist. Tila pinigilan ako sa gagawin.
"No." namamaos niyang wika.
"It's cold," I pouted.
Umiling siya at mas ipinulupot ang mga braso sa aking baywang. Wala ng makakadaang hangin sa pagitan namin.
"I'll heat you up, just don't take it off."
Masyado siyang seryoso! At anong heat me up?! Sa papaanong paraan?
"E t-tayo lang naman ang nandito, no one can see–"
Sunod-sunod siyang umiling. "You're a big tease. I said no, baby. 'Tsaka na kapag kasal ka na sa'kin."