Chapter : 8- Noba

114 18 3
                                    

Chapter Eight

Noah's Point of view

Sunday came. And just like what my brother instructed.

Nandito na kami sa labas ng bahay namin kasama sina Haki at Zion. Pupunta kami ngayon sa opisina ng presidente.

Nakasuot lang ako ng black pants black shoes. Naka jacket na kulay blue at white shirt.

Ng tingnan ko si Seth. Naka blue shirt lang siya at black pants. Blue din ang suot niyang sneakers.

"Tayo na. Mukhang kanina pa nila tayo hinihintay sa train station." Anunsyo ni Seth.

Ginawa naman namin ang sinabi niya. May driver naman kami ngayon. Assistant daw siya ni Tristan kaya't wala na kaming nagawa pa at hinayaan siyang gawin ang utos ng amo niya.

Nasa tabi si Seth ng driver habang kaming tatlo ni Haki at Zion ang nasa likod.

Ng maayos na kaming nakaupo lahat. Sinimulan ng paandarin ng driver ang sasakyan. Hindi naman samin to. Kay Tristan siguro to.

"Ilang oras ba ang dapat nating hintayin bago makarating sa train station na malapit?" Tanong ni Seth sa driver. Mukhang magkasing edad lang namin siya.

"Hindi na po aabot sa isang oras nandun na tayo." Sagot ng driver.

"Ganun ba? Eh akala ko dalawang oras ang byahe mula rito hanggang don sa station diba?" Tanong naman ni Haki.

"Uh. Kalahating oras lang po ang lalakbayin natin at nandun na tayo sa istasyon. Kabisado kona po kasi ang daan dito kaya't may shortcut po tayong dadaanan." Sagot muli ng driver.

Shortcut? May shortcut ba rito?

Saan naman siya dadaan kung meron ngang ganun? Malayo ang istasyon na pupuntahan namin. Baka nga magtatatlong oras pa bago kami makapunta don eh.

"This van is not normal right?" Naguluhan naman ako sa sinabi ni Seth. Nakatingin lang siya sa harap namin.

Parang gulat naman na napatango sa kaniya ang driver at ngumiti. "Grabe. Pano nyo po yun nalaman?"

Anong pano nalaman?

"Kanina kopa nararamdaman ang awra ng sasakyan. Hindi ito gawa sa normal na materyales kundi mga magic materials ang ginamit para mabuo ang kotseng ito." Mahabang litanya naman ni Seth na halatang nagpamangha talaga samin.

Isang magic materials?

"May ganun?" Takang tanong naman ni Haki.

Napabuntong-hininga si Seth.

"Nakakainis dahil ako lang ang hindi nawalan ng memorya sating apat." Nagulat kami sa biglaang paglungkot ng boses ni Seth.

"Hindi sa minamadali ko kayong makaalala ng lahat. Pero wala na tayong oras para sa ganito. We need to go back to Eryldia as soon as possible—kahit ngayon na nga sana eh. Kahit ako nalang sana." Nagkaroon ng kunting katahimikan.

Tanging tunog ng makina ng van ang naririnig namin. Maybe Seth really is right. Kahit na hindi namin masyadong nakukuha lahat ng mga sinasabi niya. O kahit man na minsan na naming isipin na kabaliwan lang ang lahat ng ito.

Kailangan parin naming gawin to. Para sa kinabukasan ng mundo.

"Wag kang mag-alala Seth."

Binasag ni Haki ang kunting katahimikan.

"Gagawin namin ang lahat para maalala lahat ng mga nakalimutan man namin. Baka nasa presidente lang ang bagay na makakapagpabalik ng memorya namin! Diba?" Masayang sambit ni Hakit at lumingon sa min isa-isa.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon