Chapter Twenty-Four
Seth's Point Of View
Halos lahat na ng mga village sa rehiyon na to ay tuluyan ng nag-iba. Hindi kona matandaan kung ano ang dati nitong mga pangalan dahil medyo matagal din kaming nawala dito.
Ilang oras din kaming naglakbay at halos tatlong small villages na ang nadaanan namin at halos lahat na ng mga naninirahan dun ay either patay na or nagtitiis lang sa gutom hanggang sa mamatay din sila.
Marami beses na nga kaming naharang ng mga bandits sa daan namin. Pero kahit sobrang dami nila hindi nila kami napigilan dahil nga bandits are less of our concerns right now. Hindi kami dapat magtagal dahil kailangan naming makapunta agad sa Sinua ngayon.
Dahil ang tanging clue lang namin para mahanap si Shaina at si reyna Eleixa. Pwede naman kaming pumunta mismo dun sa demon land dahil alam naman naming si Lon at si Sinus ang totoong mga kalaban namin dito pero kung padalos dalos lamang kaming papasok sa teritoryo ng kalaban, malaki ang posibilidad na hindi kami makakaalis dun ng buhay.
Ngayong nandito na kami sa Eryldia, sisimulan na naming mag gather ng informations tungkol sa drastically changes sa buong lugar nato.
"Malayo paba tayo?" Dalawang araw na kaming naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw at kanina pa yan tinatanong ni Haki samin.
Kumpara dun sa huling village na nadaanan namin, medyo may tumutubo pang damo at puno dun pero sa parteng ito na ng lupain, parang paunti-unting lumalala ang tagtuyot hanggang sa may madaanan nadin kaming patay na mga hayop sa paligid dahil sa kawalan ng tubig sa sapa.
Medyo malayo pa ang nilakbay namin hanggang sa umabot ng apat na araw na at wala pa kaming nakikitang bayan na malapit para sana aming mapagpahingahan kahit saglit lang.
"Malapit naba tayo?" Tanong na naman ni Haki samin. Tulo na ng pawis ang buong mukha niya dahil sa sobrang lakas ng sikat ng araw habang si Zion naman ay relax lang. Kaya niya kasing palamigin lang ang sarili niyang temperatura kahit anong oras niya mang gustuhin habang si Noah naman ay immune na sa init kaya't kahit na pinsgpapawisan nadin siya ng husto kagaya namin ni Haki chill pa rin ang ekspresiyon sa mukha niya. Nakakainggit din ang dalawang to e.
Biglang lumakas ang bugso ng hangin sa paligid kaya't napatabon kaagad kami ng aming mga mukha dahil sa maduming alikabok na nililipad ngayon ng hangin.
Pero hindi lang yun ang napansin namin dahil kasabay din nun ay tila may naamoy kaming isang napakalaswang amoy sa paligid na tinangay lang ng hangin. Isang amoy na tila masusuka ka kaagad kapag medyo mahina ang sikmura mo dahil sa sobrang baho ng amoy.
Hindi lang mukha ang tinabunan namin dahil pati na ang aming mga ilong dahil sa sobrang nakakahilong baho na ito na para bang galing sa isang patay na hayop o matagal ng naitapon na basura.
"Naaamoy nyo rin ba yun?" Tanong samin ni Noah.
"Sino bang hindi." Sagot din naman ni Haki rito.
"May nakikita ba kayo sa paligid?" Tanong naman ni Zion kaya't agad naman naming inilinot ang aming mga paningin sa paligid namin at dahil nga sa malakas na bugso ng hangin hindi namin masyadong makita ng malinaw ang aming palibot ngayon.
"Ano bang makikita sa ganito kalakas na hangin?"
"Puro alikabok lang ang nakikita ko!" Sigaw din naman ni Haki kaya't sumang-ayun din naman ako rito.
Nagpasya nalang kaming magpatuloy sa aming paglalakad at halos tumagal ng sampung minuto ang malakas na bugso ng hangin dun kaya't sampung minuto din ang itinagal na para bang naging pansamantala kaming mga bulag sa paglalakad ngayon.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...