Chapter Thirty-Two
Seth's Point Of View
Nag-uumapaw na kapangyarihan. Hindi mapigil na init na bumbalot ngayon sa aking buong katawan na mas lalong nagpabuhay sa aking buong katauhan. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ng katawan ko ito. May nararamdaman akong tumutubong sungay sa magkabilaang sentido ko kaya't ramdam ko ang sakit nito.
Napabuga ako ng malakas na hininga sabay mabilis na hinigpitan pa ang hawak sa aking espada.
"Mukhang isa kang magaling na dragon vessel." komento nito sakin kaya't kasabay rin nun ay ang mabilis na pagkilos ko't sa isang iglap lang din ay nakarating na kaagad ako sa mismong likuran nito. Sabay buong bilis na iwinasiwas pahalang ang espada tungo sa kanang leeg niya.
Pero mabilis din naman niyang naiyuko ang ulo't isinabay ang pagpihit niya't ipinabulusok ng suntok ang kanang kamao diretso sa sikmura ko, kaya't mabilis ko rin namang diniflect pakaliwa ang kamao niya gamit ang pisngi ng espada ko.
Sabay muli ulit niyang ipinabulusok ng suntok ang kaliwang kamao tungo sa mukha ko kaya't inihilig ko rin pakanan ang leeg ko, sabay iwinasiwas din pataas ang espada tungo sa mismong mukha niya pero mabilis din naman niyang sinalubong ng sampal din pababa ang espada ko gamit ang kanang palad niyang tila biglang tumibay sa lakas ng enerhiyang nakabalot sa kamay niya.
Pero hindi ako tumigil at paikot ding mabilis na iwinasiwas pahalang ang espada ko tungo ngayon sa kaliwang leeg niya. Pero ilang pulgada nalang sana'y nagawa rin naman niya itong napigil na naharangan ng kaniyang kanang palad ulit sabay malakas na sinampal ang dibdib ko at sa lakas nun ay napapikit agad ako sa sakit.
Tila kasabay ng sampal nayun ay ang bigla ding paghugot niya ng power core mula sa mismong bahagi ng katawan ko kung saan nakalapat ang palad niya. Napatalsik ako ng halos tatlong metro rin mula sa kaniya habang nakuha't tuluyan din namang naiwan sa kaliwang palad niyang yun ang power core ni Set. Naloko na!
"Nagiging pabaya ka kaya ka matatalo." saad pa nito ng hindi habang 'di mawala-wala ang ngisi sa labi.
"Tumahimik ka." may diing saad ko naman rito nang sa isang iglap lang din ay nakabuwelo agad ako ng takbo't nakalapit din kaagad pabalik sa kaniya.
Sabay mabilis na iwinasiwas ang espada umaasang mapuputol ang kaliwang wrist niyang yun, pero mabilis lang din naman niya itong nailayo sa range ng swing ko sabay muling ipinabulusok ng sampal ang kanang palad niya tungo sa mukha ko ngayon.
Dahilan din para mabilis kong maihilig pakaliwa ang leeg ko, sabay mabilis ding pataas na iwinasiwas ang espada ko tungo sa mismong dibdib niya pero mabilis din naman nitong nasipa pakanan niya ang espada ko gamit ang kaliwang paa niya.
Sabay mabilis na nagsomersault palapit sa harap ko't isinabay ang pwersa ng kaniyang pagbagsak sakin ang pag-swing din ng kanang paa niya diretso sa aking bunbunan. Dahil dun, napilitan akong mapahakbang din pakanan ko kaya't dumiretso ang sipa niyang yun sa lupa't nagkaroon ito ng malaking bitak, sabay paikot din niyang ipinabulusok ng sipa ang kaliwang paa naman diretso sa mismong dibdib ko.
Buti nalang at nagawa ko namang maiharang ang pisngi ng aking espada rito. Tapos ay sunod niya muling sinuntok ang mukha ko gamit ang kanang kamay, pero mabilis ko ring inihilig ang leeg pakanan ko't isinabay din ang mabilis na pagwasiwas ng espada pataas, kaya't tila kidlat sa bilis ang mga naganap na pangyayari't tuluyang naputol ang kanang braso niyang yun.
Sabay inabante ang isang paa't mabilis ding paikot na iwinasiwas ang espada pahalang tungo sa kanang tagiliran niya, pero mabilis lang din naman siyang patalong umatras papalayo sa akin kaya't kamuntikan kolang talagang maabot ng hiwa ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...