Chapter Twenty-Five
Seth's Point Of View
"Ilayo nyo sa bayan ang mga sibilyan! Bilis!" Sigaw ni Zion dun sa mga natirang cursed archers sa paligid kaya't agad naman din itong kumilos at mabilis na nagsitakbuhan kasama ang mga tao pabalik sa kanilang pinagtataguan malayo dito sa bayan.
Matapos nun ay tumango sakin si Zion kaya't napabuga naman ako ng hangin tsaka mabilis na hinigpitan ang hawak sa hilt ng aking espada.
"Papatayin natin dito si Lon. Kapag hinayaan natin siyang makaalis paniguradong sasabihin niya kaagad kay Sinus ang lahat ng mga nakita niya dito." Saad ko naman kaya't napalingon sakin silang tatlo. "Pero kahit na hindi man si Lon mismo ang makapagsabi ng balitang yun sa ama ko, malamang may Shadow soldier na siyang kasama at yun ang bumalik sa kampo nila para ibahagi ang balita."
"Hays. Kung ganun anong gusto mong gawin natin?" Tanong ni Zion.
Hinarap ko siya tsaka nagsalita. "Hahabulin ko ang Shadow soldier nayun bago pa siya tuluyang makarating sa ama ko. Kayong tatlo ang tatapos sa laban dito."
Tila nagulat naman sila sa sinagot ko. "Pero Seth! Imposibleng mahabol mopa ang Shadow nayun ngayon. Alam mo namang hindi pangkaraniwang bilis ang taglay ng ganung klase ng mga—"
"Kaya ko siyang habulin, Haki." Pagpuputol ko naman sa sinasabi niya. "Magtiwala kayo sakin. Dahil naniniwala din akong makakaya nyong patumbahin si Lon dito. Alam kong kaya nyo yun. At tsaka isa pa, wag nyo ding kakalimutan na hindi lang si Shaina at si president ang ipinunta natin dito. Kailangan nating madaliin ang bawat kilos natin hangga't maaari."
Hindi sila kaagad nakaimik at kasabay din naman nun ay bigla nalang din kaming nakarinig ng isang halakhak mula sa malayuan kaya't napunta naman dun ang aming atensiyon.
Wala na kaming oras. Kailangan konang gawin to bago pa mahuli ang lahat.
"Iiwan kona siya sa inyo! Mag-iingat kayong lahat." Mabilis na sambit ko sa kanilang tatlo bago ko mabilis na ibinalik sa scabbard ang aking espada tsaka kasing kidlat na nag sprint paalis sa bayan nayun. Susundan kolang ang awra ng Shadow soldier nayun at sigurado akong mahahabol kolang din siya.
*****
Noah's Point Of View
Kainis!
Kahit na labag sa loob namin ang umalis si Seth dito, wala kaming magagawa kundi ang sundin ang utos niya dahil may punto naman talaga ang sinabi niya.
Kanina kasi, may naramdaman nga akong isang faint aura sa paligid namin nung sandaling magpakita si Lon at bukod sa taong to, isa lang din ang naramdaman kong awra nayun. So that means tama si Seth na may isang nagmamasid nga na Shadow soldier sa lugar nato kasama si Lon.
Kasabay naman nung pagtakbo ni Seth papalayo samin para sundan ang Shadow na sinasabi niya, mabilis din namang kumilos si Lon para sana sundan si Seth.
Pero bago pa tuluyang makalagpas sa gilid ni Zion si Lon nang kasing bilis ng kidlat ay kahanga-hangang nagawang masundan ni Zion ang galaw nito dahil mabilis ding ikinumpas ni Zion ang dalawang kamay niya sabay may umangat na thick ice wall sa kaniyang gilid din mismo kung kaya't nagawa nung harangan ang daanan sana ni Lon papunta kay Seth.
Pero hindi man lang tumigil ni kunting saglit si Lon dahil mabilis din siyang nagpalabas ng isang mahahaba at matatalim na black thorn sa buong parte ng katawan niya sabay walang pagdadalawang-isip na ibinangga ang kaniyang katawan sa matigas at matibay na ice wall ni Zion at nakakamanghang tila para lamang itong manipis na salamin dahil walang kahirap hirap nga itong nawasak ni Lon na amin naman ding ikinagulat.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...