Chapter Twenty-Three
Seth's Point Of View
Two days had passed and our long trip is almost at it's end.
"Nakikita kona ang region." Sigaw ni Haki na nagpapukaw naman ng aming mga atensiyon. We are still flying with our ship at sobrang dali lang talaga ng transportation naming ito.
"Nasan?" Lumapit si Zion kay Haki at hiniram kay Haki ang spying glass tsaka siya naman ang tumingin dun sa pupuntahan naming direksiyon.
"I can barely see it. Pero mukhang malapit na nga tayo." Bulong naman ni Noah habang nakatutok dun sa tinitingnan naming direksiyon ngayon.
Hindi din naman nagtagal ay naramdaman kona ang kakaibang awra sa paligid nang halos isang daang metro nalang ang layo ng edge side ng Eryldia region sa amin.
We we're more than 300 meters high from the sea para naman masiguro talaga namin na hindi kami makakasagupa ng mga dark elves kapag lumampas na kami sa gubat kung saan sila naninirahan.
"Wag kayong basta magpaka kampante. May pakpak ang ibang elves sa gubat nayan kaya't maging alerto lang tayo lagi." Babala naman samin ni Haki na agaran din naman naming ikinatango.
Nung sandaling nasa ibaba na talaga namin banda ang malawak na gubat nato na pumapalibot sa Eryldia, biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Tila naramdaman din naman yun ng mga kasama ko na tila ba ay parang bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa sobrang nakakakilabot na awrang namumuo sa buong gubat.
"Hindi ko gusto ang gubat nayan." Komento ni Zion na sinang-ayunan naman naming lahat.
Kung nagkataon talaga na hindi kami nakasakay sa lumilipad na barkong ito ngayon, malamang kanina pa siguro kami sinalakay ng mga dark elves diyan sa baba. Mahigpit ang hawak ko sa aking espada tsaka nilingon si Simon na kinakabahang nandun sa captains deck at nagmamaneho sa barkong to.
Halata ang kaba sa mukha niya pero nung nagtama ang aming paningin, binigyan ko siya ng isang tango at ngiti para palakasin ang loob niya at iparamdam sa kaniya na hindi namin hahayaang may mangyaring hindi maganda sa barko naming ito ngayon. Dahil kung sakaling atakihin man kami, hindi talaga maiiwasang magtamo ng pinsala ang barkong ito at siguradong magiging malaking problema talaga yun. Pero gaya nga ng nasa isip ko, hindi namin yun hahayaang mangyari.
Ilang minuto na ang lumipas nang simulan naming lampasan ang gubat nato sa himpapawid pero tila wala pa rin kaming makitang kakaiba o umaatake samin.
Hindi naman sa nagdadasal kaming may ganun, pero mas pinapakaba kasi kami sa sitwasyong ito dahil hindi namin makita ang mga dark elves sa ibaba. Posibleng nagtatago lang sila kahit na gamitan pa namin ng spy glass para silipin ang bawat sulok ng gubat kaya't walang saysay yun.
May napansin kaming grupo ng mga uwak ang lumipad paalis dun sa mga sanga ng puno at lumipat dun sa kabilang puno. Nakakatakot pagmasdan. Sobrang daming patay na kahoy sa paligid na tila ba ay pati ang mga dahon nito ay itim din.
"Patay na ang gubat nato." Bulong ni Zion kaya't napalingon naman sa kaniya si Haki.
"Ngayon molang napansin yun?" Sagot nito kaya't hindi nalang siya sinagot pa ni Zion at nagpatuloy nalang sa pagmamasid.
Pero nung sandaling may narinig kaming tila isang pagaspas ng pakpak mabilis.kaming naging alerto at mas tinalasan pa ang aming paningin para mas malinaw na matingnan ang paligid.
Mukhang may nakakita na nga samin.
"Sa likod!" Bigla naman ding sigaw ni Noah at kasabay nun ay biglang dumilim ang paligid namin na para bang may kung anong bagay ang nasa itaas namin na humaharang sa sinag ng araw. Kaya't nung sandaling mailingon namin ang aming tingin sa itaas sa bandang likod ng barko isang nakakapangilabot na tanawin ang aming nakita.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...