Chapter : 21- Ten Generals

76 10 10
                                    

Chapter Twenty-One

Seth's Point Of View

"B-Bakit mo naman naisipang ako ang isama dito, Seth? Eh wala naman akong sapat na lakas para makipaglaban ah? At tsaka hindi pa marunong yung tatlong naiwan sa barko para paandirin ng tama ang barko nayun."

Dalawang oras na ang lumipas mula nung planuhin namin ang infiltration nato tungo sa siyudad ng mga pirata para hanapin at kunin ang floating bracelet mula sa pirate king.

Sa simula hindi talaga sila pumayag na si Simon ang isama kong pumunta sa siyudad at maiiwan sina Haki, Zion at Noah sa barko pero nung pinaliwanag kona ang dahilan ay wala naman silang nagawa kundi ang sundin nalang at sumabay sa plano ko.

"Pero tinuruan mo naman si Zion dun diba?" Tanong ko rito habang patuloy na nananagwan dito sa maliit na bangka papunta sa floating city.

"Pero maikling oras lang naman yun at hindi ko masyadong naipaliwanag lahat lahat ang dapat na gawin." Nag-aalala pa rin talaga siya tungkol dun eh sinabi na nga sa kaniya kanina ni Zion na may kunting alam na siya kung pano gumagana ang barko. Mukhang hindi lang talaga siya fully convinced sa mga sinabi ni Zion dun. Pero alam ko namang wala na talagang problema dun.

"Mabuti pa, wag na nating isipin pa ang tungkol dun sa kalagayan nila dahil wala naman tayong dapat ipag-alala talaga. Ang misyon natin dito ngayon ang dapat nating pagtuunan ng pansin."

"Oo nga. Pasensya na." Saad naman niya at mabilis na napalaki ang kaniyang mata at napatingin sa unahan namin na para bang may nakita siya dung interesante. Obviously, gabi pa rin ngayon at medyo mahamog na ngayon sa paligid ng dagat kumpara kanina. Looks like we're closing to the floating city now.

Mas binilisan kopa ang takbo ng bangka namin hanggang sa may napansin na nga kaming faint lights sa gitna ng mga hamog sa paligid. Looks like we arrived earlier than expected. Akala ko aabutin pa kami ng limang oras dito pero mukhang medyo mabilis lang talaga ako.

Nakita rin yun ni Simon kaya't napalingon siya sakin at mukhang kinabahan pa siya lalo pero tumango lamang ako sa kaniya. Binalik niya sa unahan ang tingin hanggang sa mapalapit na nga kami sa port ng floating city at napansin naman kami kaagad ng mga bantay doon.

We did not bring any kind of weapons with us dahil parte yun ng plano. Tanging maliit na basket bag lang ang dala ni Simon na wala namang laman. It's just a props para naman isipin talaga ng mga tao dito na normal traders lang kami na naglalayag dito sa dagat.

And just as expected, hindi na kami tinanong pa ng mga border guards ng city dahil wala naman talaga silang makikitang kahina-hinala samin. Masyado silang maingat sa pagpapapasok ng mga dayuhan sa city nato dahil iniisip siguro nila na baka may spy ang mga kalaban nila na gustong i infiltrate ang siyudad nila. But that's not what we're after. Dahil bracelet lang ang pinunta namin dito.

Hindi nagtagal ang aming paglalakad mula dun sa port side ay narating narin namin ang mismong center siyudad kung saan maraming kabahayan dito na halos lahat ng mga bahay dito o establishment dito ay mga literal na pasugalan lang at mga bar.

Marami kaming lasing na nakakasalubong sa street kahit saan man kami dumaan kaya't tumigil muna kami sa isang tabi at pinagmasdan ang paligid.

Sobrang daming tao dito. Halos lahat din ay mga pirata talaga, pero yung iba ay mga bandido at may napansin pa nga daw si Simon na mga pamilyar na mukha ng tao na most wanted sa lugar nila at matagal nang hinahanap ng iba't-ibang hunters mula sa lugar nila.

May napansin pa nga kaming nagsusuntukan sa isang madilim na alley side pero hindi nalang namin ito pinansin pa at nagpatuloy na ulit sa aming paglalakad hanggang sa natigil kami nang may mapansin kaming isang mansion na naiiba sa mga nabuong bahay sa paligid.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon