Chapter : 27- Power Core

81 11 1
                                    

Chapter Twenty-Seven

Seth's Point Of View

Habang nagkakagulo ang lahat sa paligid ng kastilyo dahil may nakatakbo pa ring iba na mga bihag kaya't hindi nadin ako nag aksaya pa ng sandali.

Pero nung sandaling tatakbo na sana ako papunta dun sa nawasak na gate ng kastilyo ay bigla din naman akong napahinto at napabalik sa aking pinagtataguan nang mabilis din namang may iba pang Shadow soldiers ang labas masok sa gate nayun kung saan may dala dalang mga bihag habang yung iba naman ay lumalabas para hanapin ulit ang mga bihag na nakalayo.

Mukhang hindi ako makakalapit dun kung ganito sila kadami. Kaagad nila akong mapapansin kung sakaling basta-basta nalang akong papasok dun.

"Pakiusap! Maawa na kayo! Hayaan nyo na kaming makaalis dito."

"Tumahimik ka! Kung ayaw mong mamatay sumunod kana lang."

May naririnig akong Shadow soldier at isang bihag na nagtatalo sa may hindi kalayuan dito sa pinagtataguan ko ngayon. Kaya't nung sandaling din nayun ay bigla akong may naisip na ideya kung pano ako makakapasok sa kastilyo ng walang gaanong makakapansin o magsususpetsya sakin.

Mabilis kong tinakbo ang direksiyon kung saan medyo liblib na lugar at may napansin nga akong isang Shadow soldier dun na pilit hinihila ang isang babae para maibalik sa kastilyo.

Tinantiya ko ang pagkakataon na makatalikod ito at yun na ang naging hudyat ko para kumilos.

Mabilis ko ngang tinakbo ng sobrang bilis at wala man lang ginagawang ingay sa aking bawat hakbang.

At nung sandaling makalapit ako ay kaagad kong hinugot ang aking espada sabay mabilis na pinutol ang braso nung Shadow soldier na nakahawak sa damit ng bihag kaya't pareho silang dalawa na nagulat lalo na yung Shadow soldier nang makita ako.

Mabilis naman nitong isinaksak paharap sakin ang knife na hawak niya pero mabilis kolang din itong nailagan sabay sinalo ang wrist niya sabay paitaas na sinaksak ang baba niya gamit ang espada ko patagos hanggang sa bunbunan niya.

Mabilis ko din itong hinugot at umagos ang bumulwak ang dugo mula dun at bumagsak ang walang buhay niyang katawan sa madamong gubat na ito.

"Wag po! Wag nyo po akong sasaktan." Nataranta naman yung babaeng bihag dahil sa kaniyang nasaksihan kaya't mabilis ko din namang binalik sa aking scabbard ang espada ko sabay marahan siyang nilapitan.

"Hindi ako masamang tao. Maniwala ka. Nandito ako para tumulong. Kung gusto mong tulungan ang mga kasama mong bihag din, kailangan mong sundin ang mga sasabihin ko." Wala kaming oras na dapat sayangin kaya't kailangan ko siyang paniwalain na kakampi niya ako.

Hindi siya nakasagot at nakatitig lang sakin. "Pakiusap. Wala na tayong sapat na oras." Sabi kopa rito.

"Nandun sa loob ng kastilyo nayun ang pamilya ko. Pakiusap tulungan nyo kami." At sa pagkakataong ito ay lumapit na siya sakin. Magandang senyales ito na naniniwala siya sakin.

"Ano ba ang ginagawa nila sa inyo? Bakit nila kayo kinukulong?" Tanong ko rito.

"Sila ang gagawin nilang mga sakripisyo para sa nalalapit na pag-aalay para mai summon ang dalawang dragon ng Noba. Ang Cyclone at ang Laveen."  Bigla din naman akong nakarinig ng isang boses sa aking likuran at kaagad akong humarap sa gawi nito.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon