Chapter Twenty
Seth's Point Of View
"Sure ba talaga kayo sa desisyon nato, Seth?" Nandito ako ngayon sa arc shaped na bahagi ng barko at nakatingin lamang sa madilim na kalangitan. Tumingin ako sa kay Noah tsaka muling binalik sa itaas ang aking tingin.
"It's just the only choice we have. Kung may iba kapang mas magandang suhestiyon na mas ligtas pa sa gagawin nating infiltration, siguro dapat sabihin mona ngayong isang araw nalang at makakarating na tayo sa Pirates city." Sabay muli kong nilingon si Noah pero nag pout lang siya at tumingala din sa kalangitan.
Hindi ko kilala ang mga star constellations kaya't wala akong matukoy kung may ganun nga ba talaga ngayon sa kalangitan.
"Wait. That looked like a Taurus." Bigla namang sambit ni Noah at may tinuro sa kalangitan. Wait. Noah can see constellations? "Alam mobang second zodiac sign ang Taurus sa twelve zodiac?"dagdag pa niya at tumingin sakin.
Sandali kaming nagkatitigan tsaka biglang kumunot ang noo niya. "Wait. Hindi mo alam ang zodiac signs?" Tanong niya.
"Of course i know." Mabilis ko din namang sagot rito at umiwas ng tingin.
"Oh talaga? Sige nga? Kung ang Taurus ang pangalawang zodiac sign sa twelve, anong zodiac naman ang una?" Natigilan ako sa tanong niya kaya't muli akong napatingin sa gawi niya pero ngumiti lamang siya na tila nanghahamon.
"Gemini!" Biglang sagot ni Haki na kadarating lang at masayang sumandal dun sa railing ng barko sa tabi ko.
"Sure kana ba sa sagot mo, Haki?" Tanong pa ni Noah rito.
"Sasagot ba ako kung hindi?" Nakangiti at overconfident na sagot pabalik din ni Haki rito kaya't hindi ako makapaniwalang tumingin rito. Alam niya ang ilang bagay nayan kasi nga ilang buwan din siyang nanatili sa mundo namin at nag-aral dun na parang normal na tao lang din.
"Hmm. Mali ang sagot mo, Haki." Nakangiting saad ni Noah rito. Sinasabi kona nga ba.
"Bakit naman?" Reklamo pa ni Haki at napapakamot ng ulo.
"Scorpio ang sagot." Bigla din namang sumabat si Zion sa usapan at nakaupo ito sa isang bench lang at may binabasang libro at kasalukuyan ding umiinom ng kape.
"Mali ka din, Zion." Dahil sa biglang tugon din ni Noah rito muntikan nang malunod si Zion sa kapeng iniinom niya at hindi makapaniwalang nilingon si Noah.
Ang mga taong to talaga. Akala kopa naman tama na talaga ang mga sagot dahil sobrang confident kung magbigay ng answer.
"Alam kona! Leo ang sagot dun." Sagot naman muli ni Haki.
"Mali din yun." Pero sumabat din agad si Noah.
"Virgo."
"Mali pa din yun, Zion."
"Libra."
"Mas lalo lang kayong lumalayo sa sagot eh. Mag seryoso ka kasi Haki."
"Seryoso naman ako ah! Sagittarius ang sagot."
"Tumahimik kana nga lang, Haki!" Pasigaw na sagot din ni Noah at mukhang frustrated na siya dahil sa mga sinasagot ng dalawang to.
Kahit papano, natatawa ako sa tatlong to. Para kaming walang mga problemang hinaharap ngayon.
"Aries." Sagot naman ulit ni Zion kaya't gulat na napatingin si Noah rito.
"Tama! Sa wakas nasagot mo rin." Sayang-saya na sambit ni Noah at napabuntong-hininga si Haki dahil naisip niya na naunahan siya ni Zion sa pagsagot.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasíaAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...