Chapter Nineteen
Seth's Point of View
Dalawang araw na ang nakalilipas mula nung manalo ako sa paligsahan laban kay Elijah. Kasalukuyan na kaming naglalayag ngayon dito s dagat gamit gamit ang barkong pabuya na galing sa paligsahan din mismo gaya ng kanilang ipinangako na ibibigay sa mananalo.
Si Simon ang nagmamaneho nitong barko habang nasa tabi niya si Haki para naman may makausap man lang siya dun at hindi mabagot. Si Zion naman ay nasa lower deck ng barkong to at mukhang sinusuri niya ang lahat ng mga bagay na nandun. Baka kasi may kasama na pala kami sa barkong to na hindi namin nalalaman kaya't para makasiguro kami, naisip ni Zion na i check lahat ng mga lugar sa barkong to.
Si Noah naman ay nandun din sa lower deck at nasa storage room banda nitong barko. Sinabi niyang baka may mahanap daw siyang mga kagamitan dun na pwedeng makatulong sa pag nanavigate namin sa dapat naming daanan. O sa madaling salita, naghahanap siya ng uri ng mapa o di kaya ay compass, or spy glass at iba pa na karaniwang ginagamit at dala dala ng mga pirata o mga taong naglalayag sa dagat.
Nandito naman ako sa may front arc ng barko at nakasandal sa railing habang tahimik at payapang pinagmamasdan ang malapad na karagatan sa harapan. Halos lahat sila may pinagkakaabalahan habang ako ay nandito lang at nagpapahangin.
Maraming seagulls ang makikita at maririnig sa kalangitan kaya't sobrang payapa talaga ng paligid.
Hindi mo talaga lubos na aakalain na sa kabila ng kapayapaang dala ng dagat na ito, at ang simoy ng hangin na dumadaan, hindi mo talaga maiisip na sobrang dami na din palang namatay sa malawak na katawan ng dagat nato. Dahil sa mga pirata at sa hindi nila matigil tigil na digmaan at pakikipag-away sa ibang naglalayag.
Medyo kumirot ang dibdib ko kaya't mabilis akong napayuko at napasapo sa aking dibdib dahil mukhang matagal tagal padin bago ako tuluyang gumaling at maging aktibo ulit.
Masyado akong napagod dun sa paligsahang naganap at dahil yun sa kakaibang kapangyarihan ni Elijah. Napilit niya akong lumagpas sa kunting limitasyon ko na ma trigger ang curse sa dibdib ko. Hindi man niya ako tuluyang natalo, sa palagay ko naman, kung mas malakas pa ang stamina niya kumpara nung nakalaban ko siya kanina, malamang ako pa ang naging talunan dun.
Mabuti nalang talaga at sakin pumanig ang swerteng yun. Kung nagkataon talagang natalo ako, hindi na namin alam kung makakalayag pa kami ng mas maaga gaya ngayon.
"Ayos kalang ba?" Mabilis naman akong napalingon sa aking likod nang biglang magsalita si Noah.
Napangiti ako. "Noah. Ikaw lang pala yan." Tsaka binalik kona sa harapan ang aking tingin. "Nakakainis lang talaga dahil sa patuloy na pagkirot ng dibdib ko ngayon, mas lalo tuloy nanghihina ang katawan ko habang lumilipas ang araw."
Tumabi naman siya sa gilid ko at ini lean forward din ang kaniyang dalawang braso sa railing dun sabay nilingon ako. "Hindi ka dapat nandito dahil dapat ay nasa kwarto kalang at nagpapahinga. Medyo mainit at tirik na tirik pa naman ang araw ngayon at baka mas lalong lumala ang sakit mo."
"Wag mokong alalahanin, Noah. Ayos lang ako. Malamig naman ang bugso ng hangin kaya't balewala lang sakin ang init." Sagot ko tsaka din naman siya nilingon. "Galing ka sa storage room diba? Kung ganun, may nahanap kabang gamit dun na pwede nating gamitin sa paglalayag?"
Tumango siya. "Meron naman. Sa katunayan, halos kompleto na ang mga gamit dun para sa paglalayag nating ito. Para bang hinanda na nila mismo sa mga taong mananalo ng barkong to ang mga gamit. Dinala kona yun lahat dun sa upper deck at nandun nadin silang lahat."
Muli kong binalik sa harap ang aking tingin at may nakita akong isang dolphin na biglang tumalon mula sa ilalim ng dagat sa ere at mabilis lang ding bumagsak ulit pailalim sa dagat. Napangiti ako sa aking nakita. "Kung ganun kailangan nating tingnan ang mga gamit na nakita mo para magamit na kaagad natin."
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...