Chapter Fourteen
Noah's Point Of View
Seth dashes so quickly at muntik konang hindi mailagan ang pagtusok niya sa dibdib ko kung hindi lang ako kaagad nakaatras bago yun salagin pakanan.
Sinubukan kong sipain siya sa tiyan pero mabilis siyang naka withdraw kaya't hindi yun umabot sa kaniya.
"Muntik nayun ah?" Bulong ni Haki.
Mabilis ulit na umabante si Seth pero isang hakbang pa nga ang nagagawa niya bigla siyang nawala na parang bula sa harapan ko.
Naramdaman ko siya bigla sa likod kaya't mabilis akong gumilid sabay nag sideway kick patungo sa aking likod pero mabilis na nakaikot si Seth at napunta sa harapan ko.
"Nag improve kana. Good job." Komento ni Seth sabay mabilis ulit akong inatake. He thrusts his sword towards my chest kaya't mabilis kong winakli yun pakaliwa gamit din ang espada ko sabay paikot na sinipa si Seth sa tiyan pero bago yun tumama mabilis na niluhod ni Seth ang isang tuhod niya sabay pataas na winakli ang paang isisipa ko sa kaniya.
Kainis! Kahit na nakaluhod paikot na winasiwas ni Seth saking paa ang espada niya kaya't napapaatras ako habang iniiwas ang paa na matamaan ng espada niya.
Mabilis akong tumalon pagilid pero nakasabay si Seth sa pamamagitan ng paggulong niya pagilid din sakin kaya't mas lalo lang siyang nakalapit sakin.
"Hindi ka mananalo kung dedepensa kalang lagi." Para talaga siyang master pero anong magagawa ko?
Mabilis kong winasiwas pababa sa kaniyang noo ang espada ko pero naiharang niya agad ang espada niya pa horizontal sabay pinatid ako sa isang paa pero mabilis ko itong naiangat sa ere sabay yun ang pinangsipa sa mukha ni Seth pero sinalubong niya lang ito ng malakas na palad niya kaya't mabilis akong tumalsik nang marahas na tumama ang palad niya sa paa ko.
Bumagsak ako sa lupa mga tatlong metro mula sa kaniya. "Mukhang hindi kapa talaga nakakaalala." Tumayo si Seth at sinablay sa balikat ang kaniyang green sword.
Napabuntong-hininga naman ako. "Wala pa tayong almusal kaya't tatapusin muna natin dito ang ensayo. Pagod nadin kasi ako eh. Mamaya ulit." Inabot ni Seth ang kamay ko at tinulungan akong makatayo.
"Oo nga. Magpahinga na muna kayo. Kami namang tatlo ang maghahanda ng makakain natin." Masayang saad ni Simon at inaya ang katabi niya na mangisda sa ilog.
Naupo ako sa isang malapad na bato at sumandal sa isang kahoy malapit lang din sa ilog kung saan sila nangingisda.
"Aalis lang ako saglit. Babalik din ako agad." Paalam ni Seth habang dala dala ang espada niya.
"Saan ka naman pupunta?" Lumingon siya sakin.
"Magpapahangin." At tuluyan na siyang umalis. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan lang ang papaalis na pigura niya sa gubat.
"Hoy Zion. Ikaw na nga manghuli." Napalingon ako sa tatlo dahil ang ingay nila.
"Ako na nga." Gumawa si Zion ng ice spear at mabilis na tinusok yung mga isda sa ilog at nakakuha agad siya ng tatlo.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...