Chapter Fifteen
Noah's Point of view
"Simulan na!" Sigaw ni Lewis at mabilis na umalis sa paligid ng arena, tanging kami nalang ni Cavian ngayon ang natira dito at tanging tinginan lang ang ginawa namin. This guy is holding a black sword in his hand right now. Kung titingnan sa laban niya kanina, malakas siya. Biruin mong nagawa niyang makatagal sa ganun ka daming rounds at kung titingnan ngayon ang mukha niya, parang hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod sa kabila ng lahat ng yun.
Pambihira ang stamina ng lalaking to. "Kung ayaw mong mauna pwes ako nalang." Mabilis niyang hinanda ang sarili at mabilis na tinakbo ang distansya naming dalawa at nung malapit na siya sakin mabilis niyang winasiwas pahalang ang kaniyang espada saking tiyan kaya't mabilis akong umatras ng isang hakbang kaya't nung naiwasan ko ang atake niya.
Mabilis ulit akong umabante sabay paikot na harapang sinipa ang dibdib niya pero pisngi ng espada niya ang tanging natamaan ko at dahil malakas ang sipang yun, mabilis na napatalsik ng mahigit apat na metro ang layo niya sakin.
Matapos nun mabilis naman niyang kinuha ulit ang balanse sa katawan at nag fighting stance habang nakatitig lang sakin. Hinugot ko naman ang aking espada sa scabbard nito at kita ko pagkakunot ng noo ni Cavian habang nakatingin na ngayon sa espada ko.
"Anong problema?" Tanong ko rito kaya't bigla siyang natauhan at muling binalik sakin ang tingin.
"Wala lang to. Hindi kolang kasi naisip na may gaya ng espadang hawak mo ngayon ang nakalabas sa demonyong rehiyon nayun." Ako naman ngayon ang napakunot ang noo sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin sa demonyong rehiyon? At bakit mo alam ang tungkol sa espadang to?"
"Nabasa kolang yan sa libro. Ang Eryldia nayun ay isang demonyong lugar na hindi na talaga matatawag na tahanan pa ng kahit anong tao. At isa ang espadang yan na nabasa ko na hawak ng isang black knight na tinangkang tapusin ang sorcerer pero hindi nagtagumpay. Isa lamang yung alamat pero hanga talaga ako sa mga taong humarap sa sorcerer nayun. Isa silang mga mararangal na mandirigma pero ayun sa alamat, matagal na silang wala sa Eryldia." Mahabang saad ni Cavian. Isang alamat? Si Shaina ba ang gumawa ng alamat nayun? Hindi ko alam.
"Pano kung sabihin ko sayong ako ang black knight na nasa alamat nayun? Maniniwala kaba?" Natawa lang siya sa sinabi ko at mabilis ulit na sumugod sakin.
"Hindi ibig sabihin na nasa sayo ang espadang yan ay may karapatan kanang angkinin pati ang titulo ng black knight nayun!" Sabay malakas niysng tinangkang itutusok saking ulo ang espada niya pero mabilis ko itong naiwakli gamit ang espada ko pagilid sabay malakas na nagpakawala ng front kick sa mukha niya pero mabilis lang siyang umilag sabay paikot na winasiwas ulit ng pahilig tungo saking dibdib ang espada niya, pero mabilis akong yumuko sabay paikot na pinatid ang paa niya kaya't nung malakas siyang bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...