Chapter : 28- Lightning-User

97 16 9
                                    

Chapter Twenty-Eight

Seth's Point Of View

Kalahating araw lang ang itinagal ko sa aking paglalakad at nakarating nga ako dito sa may entrance sa bayan ng Yuha.

Ilang small town din ang dinaanan ko na hindi naman nakatayo dun bago ako mawala sa mundong to. Pero mukha ngang marami talaga ang nagbago dito mula nung insidenteng yun ng pagkawala namin.

Hindi nagtagal ay nagpasya nadin akong pumasok sa bayan at agad ko din namang napansin ang mga sira-sirang bubong ng bahay at mga kariton sa bawat sulok ng kalye dito sa dinadaanan ko. Hindi din kaaya-aya ang amoy na dumadaan sa ilong ko ngayon at habang pumapasok pa ako sa loob ng bayan ay tila ba'y tumatapang ang amoy nito hanggang sa hindi kona talaga ito makaya pang singhutin kaya't nandidiri akong napatakip ng aking ilong at bibig gamit ang kaliwang palad ko habang mas binibilisan pa ang aking hakbang kung nasan ang Mist mountain.

"Pakiusap. Tulungan moko!" Bigla naman akong napatigil sa aking paglalakad at napatingin agad dun sa kanang side ko sa may dark side ng alley dun dahil dun ko narinig ang nagmamakaawang boses ng isang lalaki.

At nung maaninag ko ng kunti ang tao dun ay napansin ko ang isang lalaki na medyo matanda lang sakin ng ilang taon habang nakadapa ito sa lupa at may humahatak sa isang paa niya papunta pa dun sa mas madilim na side ng alley na tila ba'y isa yung Shadow soldier.

Hindi ko din naman ito hinayaan na makaalis pa dahil mabilis ko ding pinitik ang daliri ko kasabay din nun ay biglang may lumitaw na yellow energy wall na umukupa sa buong side na pagitan ng alley nayun na nagsilbing harang dun sa Shadow soldier para mas makapunta pa siya dun sa mas madilim na bahagi.

Dahil dun ay mabilis din namang napatigil ang Shadow sa kaniyang paglalakad dahil may nakaharang nga na energy wall dun at hindi kalaunan ay hinarap ako nito habang mahigpit pa ring nakahawak sa paa nung kaawa-awang lalaking nakadapa sa lupa.

Sandali kaming nagkatitigan nung Shadow at mabilis din naman itong may hinugot na dark energy sword sa likod niya at kasabay nun ay usok itong naglaho dun sa madilim na alley nayun at kasabay din nun ay bigla ko itong naramdamang kasing bilis din ng usok na lumitaw sa likuran ko.

Pero walang lingon-lingon ko din naman itong sinipa sa likod kahit na hindi ito hinaharap pero mabilis din naman nitong naiharang yata ang pisnge ng espada niya kaya't hindi siya tuluyang nasaktan nung sandaling mapatalsik siya paatras ng halos mag limang metro mula sa akin.

Ilang pulgada ang naging distansya ng likod niya bago siya tuluyang napatigil sa kaniyang pagkakatilapon. Pero mabilis ko din namang pinitik ulit ang daliri ko sabay bigla nalang ding lumitaw ang isang yellow energy spear sa kamay ko.

At sabay nung pagharap ko sa kaniya ay siya ding paghagis ko dun sa direksiyon ng Shadow at sa sobrang bilis ay hindi nito kaagad na nasalag ang atake ko at direkta itong tumama at tuluyang pumutol sa leeg niya na naging dahilan para mamatay ito kaagad.

At sa lakas pa nito ay tumarok pa dun sa wall ng isang bahay ang spear na nasa likod lang din nung Shadow na napatay ko.

Kaagad ko ding nilapitan ang pader nayun at hinugot dun ang spear na nakatarok at tsaka nilingon narin yung lalaking nasa alley.

"Ayos kalang?" Mahinahong tanong ko rito at mulat ang mata nitong tumango din at dahan dahang lumapit sakin.

"Salamat sayo." Agad itong yumuko pero pinigilaj kona siya bago pa niya magawa yun at tinanong kung may mapagtataguan ba siyang lugar sa bayan nato.

Mayroon naman daw kaya't hindi kona siya pinigilan pa at ibinigay yung energy spear na hawak ko sa kaniya para maging sandata niya kung sakaling kakailanganin niya ito ulit para protektahan ang sarili niya.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon