Extra Chapter

59 10 5
                                    

Extra Chapter

Tirik ang araw.

Saktong tanghali ngayon pero nandito ako, naglalakad sa ilalim ng sikat nito habang papaakyat ng isang bundok na tinatawag ng lahat bilang ang Mist mountain.

"Hoy. Seth, bilisan mona diyan." tawag naman sakin nung kasama kong kanina pa excited na tumatakbo papaakyat ng tuktok nito.

"Kanina pa nga tayo naglalakad dito tapos ang sakit pa ng init ng araw. Magpahinga naman tayo."

"Ang mahuhuli papunta sa tuktok panget."

Hindi talaga nakikinig kahit kailan. Natawa naman ako habang pinapanood siyang tumatakbo na ulit. "Akala mo naman talaga mananalo." saad ko't mabilis ding bumuwelo at mabilis din siyang sinundan ng mas mabilis na takbo.

Nagulat siya nang maunahan ko siya kaya't inakma niya akong hilahin sa damit ko pero malas lang niya dahil saktong nasagi ng paa niya ang isang bato kaya't agad siyang nadapa.

"Ayos kalang?!"

"Humanda ka!"

Natatawa nalang akong nagpatuloy sa pagtakbo habang siya naman ay nandun kakabangon lang mula sa lupa.

Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa finish line na walang iba kundi ang tuktok nitong bundok. "Oh ano na?! Sino na satin ang panget ngayon?" natatawa at tatalon-talon kopang sigaw habang hinihintay itong makarating din dito.

"Madaya ka. Kinuntsaba mo yung bato kanina kaya ako nadapa." hihingal-hingal itong nagsalita matapos makahabol din sa akin.

"Sino ba ang nag-aakmang manghila kanina? Ikaw kaya yung madaya." pangangatwiran ko naman din rito at mas ikinainis pa niya. Natatawa talaga ako.

Matapos nun ay napalingon naman ako sa kabuuan nitong bundok ngayon. Puro bitak ang bundok na ito kahit saan ito banda tingnan. Halos lagpas nga sa kalahating orihinal na sukat o lapad ng bundok na ito ay tuluyang nawasak dahil sa nagdaang labanan ng mga demonyo at dragon dito.

Kamuntikan pa nga raw manalo ang pwersa ng demonyo pero dahil sa magiting na dragon, at sa mga taong kasama nito sa pakikipaglaban nagawa nilang mapigilan ang masamang balak ng kalaban at ang kapayapaang ito ngayong aming tinatamasa ang siyang resulta ng pagkapanalong iyun.

At ang taong yun na tinutukoy ko. Ang taong namamahala sa apat na dragon ng Noba at ang siyang tumalo sa demonyo ay walang iba kundi ang aking Ama na si Seth.

"Mukhang nandito na pala kayo." isang pamilyar na boses ni Papa ang narinig ko kaya't kaagad din namin itong nilingon sa direksiyon kung nasaan man ito nanggaling.

At nakita namin siya dun sa may bandang sulok dito na nakaupo sa isang silong ng punongkahoy.

Lumapit na kami ng kaibigan ko rito at nakisilong narin. "Papa. Eto napo ang ibinilin nyo." sabay tinaggal at iniabot ang bag na suot-suot ko kaya't ngiting tinanggap naman yun ni Papa.

"Salamat, Seth. Nasaan naba ang Mama mo?" tanong naman nito pabalik sa akin habang kinukuha ang mga kandila at bulaklak sa loob ng bag nayun tsaka nilagay ito sa isang sadyang pinagawang lapida.

"Ah. Nandun lang po sa bahay. Gusto na raw kayong umuwi agad kung ayaw nyong mabato uli ng pinggan mamayang hapunan."

Natawa si Papa sa sinabi ko. "Si Shaina talaga, hindi na nagbago."

Isang linggo din kasing wala sa bahay si Papa dahil sa isang misyon niya bilang ang tagapangalaga ng apat na dragon. Kaya siguro na-miss lang ni Mama si Papa dahil dun.

"Tsanga pala, Heko. Nasaan na nga pala ang Papa mo ngayon? Balita ko 'di narin siya nakakauwi sa inyo." tanong bigla ni Papa sa kaibigan kong nakahiga na ngayon sa tabi at kumakain ng mansanas na baon niya palagi.

"Nandun siya sa Dionald ngayon. Alam nyo naman po. Siya ang Hari dun. Ang magiting na Haring Haki ng Dionald. Tsaka si Mama naman nandun sa isa pang kaharian. Alam nyo na. Siya naman ang reyna dun. Nandito lang ako dahil dito nakatira ang kaibigan kong si Seth. Tsaka mas masaya din dito kumpara sa ibang bayan." saad naman nito tsaka muling nagpatuloy sa kinakain. Nabulunan naman ito kaya't kaagad napabangon at naghanap ng tubig.

"Oh ayan." tapos biglang may kakarating lang na isa pang lalaking kasing edad lang din ni Papa ang lumitaw na nakaupo sa sanga ng punong kinasisilungan namin ngayon at naghagis ng maiinom sa kabigan ko.

"Hayss. Muntik na ako dun ah."

"Buti at napadalaw ka. Noah." ngiting tugon naman ni Papa sa lalaking yun habang sinuklian din naman siya ng isang ngiti.

"Kagagaling kolang sa normal world. Pinapatawag tayong lima ng president. Emergency daw." saad ng lalaking ito kaya't napangiti lalo si Papa.

"Na naman?"

"Anong nanaman? Kumilos kana diyan dahil nasabihan kona rin sina Haki at Zion bago kita pinuntahan." bumaba na si Noah sa puno at nilingon ako. "Kamusta kana Sethtwo."

"Ah. Ayos lang naman po. Aalis poba kayo ngayon para sa isang misyon?"

"Tama ka!"

"Nasabihan mona ba si Shaina?" tanong naman ni Papa matapos makatayo.

"Ikaw asawa nun, kaya natural lang na ikaw na ang kumausap."

"Pambihira. Sana dinaanan mona lang. Teka. Nahihiya kapa rin kay Shaina?"

"Tumahimik kana. At umalis na tayo."

"Nagde-deny kapa."

"Sabi ng tumahimik kana."






Last nato.

The End na talaga siya. Thanks for reading!

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon