Chapter : 6- One-Minute Meeting

107 16 3
                                    

Chapter Six

Noah's Point Of View

Hindi agad ako nakapagsalita ng marinig yun kay Zion. Does he mean by that nerdy guy? Hindi namin alam kung iisang tao lang ba ang nasa isip namin ngayon.

Basta't ang alam namin.

Sobrang nakakalito ang mga nangyayari. Ano bang konek nung nerd guy sa usapan naming ito ngayon? At tsaka bakit bigla itong nasali sa usapan? Who exactly is this guy?

"Mabuti pa puntahan natin." Suggest ni Haki. "Maybe he knows something that we don't."

"Like what?" Ani ko. "Ano namang alam niya na hindi natin alam?"

"Kaya nga pupuntahan natin diba? To know what he want's us to know. Kung wala man siyang sasabihin. Kukunin lang natin yung libro tsaka aalis. Simple." Ani Haki.

He's right. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan lang naming i approach ang taong yun. Baka nga may alam pa siya sa...

Wait.

Baka alam niya kung sino si Shaina. I know that parang walang konektado ang pangalang yun sa maaari naming pakay sa lalaki. Pero baka naman may alam siya dun.

Para narin maintindihan ko si Seth kung bakit lagi niya yung binabanggit sakin.

"We only have 15 minutes bago mag bell. Baka nandun narin sa clubroom ang nerd guy nayun. Mabuti pa puntahan na natin habang may oras pa tayo." Tumayo na si Zion habang nakatingin lang sa relo niya.

He looked at me at kaagad narin akong tumayo at mabilis na binalik sa counter ang tray na dala ko.

"Tayo na. May itatanong din kasi ako sa kaniya eh. Baka may alam din siya." Nauna na akong maglakad sa kanila hanggang palabas ng cafeteria.

"Ano namang itatanong mo?" Haki asked while nasa tabi ko siya na naglalakad. Zion is at our back.

"Um. About Seth."

Lumiko kami sa kanan na hallway at dumiretso.

"Seth? What about him?" Tanong naman ni Zion sa amin mula sa likod.

"About that name 'Shaina'. Baka may alam ang taong yun tungkol dun." Sagot ko rito at natahimik na kami na naglalakad.

Hindi nagtagal, narating namin ang music clubroom. Kumatok ako ng dalawang beses at bigla nalang itong nagbukas ng walang tao na humila mula sa loob.

O baka hindi lang talaga siya nakakandado nung kinatok ko.

"Hindi ba kayo papasok? I'm busy right now kaya sabihin nyo na ang sadya niyo."

Biglan may pamilyar na boses kaming narinig sa loob. So totoo nga talaga na nandito siya.

Bumuntong-hininga muna ako bago tinulak ng husto ang pinto at bumungad sa harapan namin ang apat na bookshelves na nakadikit sa bawat dingding ng silid at puno ito ng mga libro.

Akala koba music clubroom to. Bakit para na itong mini library sa tingin ko.

Mukhang ganun din ang nasa isip ng mga kasama ko kaya naman napansin ko si Haki na muling lumabas at sinilip ang karatula sa itaas ng pinto.

"Music clubroom." Basa ni Haki sa karatula. Tapos bumaling siya ng tingin sakin.

Kung ganun, music clubroom nga talaga to. Pero bakit iba ang nasa loob.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon