Chapter : 22- The King Is Dead

76 13 3
                                    

Chapter Twenty-Two

Seth's Point Of View

Halos walang nakaimik nang tanungin ko silang lahat lalo na yung natitirang siyam na heneral ng mansiyon nato dahil sa kanilang nasaksihang laban ngayon lang.

The funny thing is, ang awra lang pala talaga niya ang malakas at hindi ang kakayahan o talento niyang lumaban. Hindi ko alam kung may pagkakaiba ang dalawang bagay nayun.

But after seeing the fight just now, it ended smoothly and without even making me sweat. Tumingin ako kay Simon at hindi rin siya makapaniwala sa kaniyang nakikita ngayon at wala sa sarili naman siyang nakabigay ng thumbs-up sakin. I laughed in silence bago muling tiningnan ang hari.

"Magaling ka." Tanging na komento lang nito tsaka binalik sa siyam na heneral ang kaniyang tingin. "Kaya't kung ayos lang sayo, baka pwede nating dagdagan ang hirap ng larong to. Imbes na isa isa mo silang labanan, dalawa ang kailangan mong harapin ngayon."

Dahil dun napunta sa siyam na heneral ang aking tingin at nakita ko na tila bumalik ang confidence sa kanilang mga mukha. Their all dumb. Sure ako dun.

"Ayos lang sakin yun. Dahil nagmamadali naman ako kaya't kahit siyam silang lumaban ng sabay mas maganda. Ang importante ay makaalis na ako sa lugar nato." Sagot ko naman na mas ikinagulat ulit nila at nagsimula ulit na magbulungan sa paligid na para bang mga bubuyog.

"Ang yabang mong magsalita." Sigaw ng isang heneral na may hawak na isang pirate sword.

"Simulan nyo na." Sigaw muli ng hari kaya't mula sa siyam, may tatlo sa kanila ang mabilis na nag sprint palapit sakin ng sobrang bilis kaya't hinanda ko na ulit ang aking sarili.

"Magdasal kana!" Biglang naunang lumitaw sa likuran ko yung heneral na may hawak na pirate sword kaya't mabilis din akong humarap sa kaniya na kaniya ding ikinagulat dahil sa fast reaction ko.

Pero kahit na ganun, tinuloy pa rin niyang iwasiwas diagonally downward saking dibdib ang sword niya kaya't mabilis akong umatras ng isang beses kaya't hindi umabot ang slice ng espada niya.

Dahil sa ginawa ko nakalapit na sa likod ko yung dalawang tumatakbo din sakin. May golden gauntlet yung nasa kanan sa likod ko at siya ang naunang nakalapit sakin sabay mabilis niyang pinabulusok tungo sakin ang kamao niya kaya't kasabay nang pagharap ko rito mabilis kong diniflect gamit ang sampal ng aking kaliwang kamay ang kamao niya pakanan sabay mabilis na inupper-cut ang chin niya kaya't nung tumama yun sa kaniya, medyo umangat ang paa niya mula sa sahig at kasabay din nun habang midair pa ang paa niya mula sa sahig ay binalot ko din ng kunting lightning energy ang kaliwang kamao ko sabay buong lakas na finront punch ang tiyan niya and that was a direct and a lightning-like quick punch kaya't nanlaki ang mata nitong napabuga ng dugo sabay mabilis siyang tumalsik papalayo at nadamay pa ang isang heneral na nakatayo nang pagkakatalsik niya at dalawa silang tumama dun sa double door na pinto at nawasak ito nang dun sila tumilapon.

Kasabay din nun ay nakalapit sakin yung dalawa mula saking harap at likod at sabay nilang ini slice downward sakin ang espada nila pero mabilis lang din akong nag stepside sa kanan ko at nung sandaling aatakihin na nila ulit ako, mabilis kong pinag apir ang dalawa kong palad sa harapan ko like a thunder clap splitting the lightning energy forming in my hands into two lightning strikes na tumama sa kanilang dalawa kaya't mabilis silang tumalsik papalayo in the same time as well breaking every pillar na binabanggaan ng mga katawan nila.

Medyo sumakit ang ulo ko na parang kinurot ito saglit na parang dumaan lang ang sakit kaya't saglit akong napapikit dahil dun. But thank goodness hindi yun nagtuloy tuloy dahil siguradong bababa sa puso ko ang sakit nun at dun na kami magkaka problema.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon