Chapter Seven
Noah's Point Of View
After that meeting. Binigay samin ni Tristan ang libro.
Actually. Si Seth lang ang humawak nito dahil kailangan daw niya yung mabasa lahat, dahil yun ang mismong magsisilbing guide book namin kapag nakabalik na kami sa Eryldia.
Tama.
Sinabi niya na babalik kami dun. Seriously. Saan ba talaga kami babalik?
Alam kong wala akong maalala sa ngayon tungkol sa nakaraan naming mga karanasan, at tanging si Seth lang ang mukhang may alam sa nangyari noon.
Then. Pinapunta namin sila Haki at Zion sa bahay namin sa Saturday para pag-usapan ang nangyari na nakalimutan naming tatlo.
Nagawa kaming pagsama samahin ng libro nayun. Yun ang sinabi ni Tristan kaya't para hindi na kami masyadong maraming tanong tungkol sa mga nagyayari.
Seth explained all he can para maintindihan namin ang nangyayari.
"So ang ibig mong sabihin. Ang ama mo ang may gawa nito satin. Ano nga ulit ang pangalan nun? Sinio?"
"Sinus." Pag co correct naman agad ni Zion sa sinabi ni Haki.
Naka upo kaming apat ngayon sa sofa at magkaharap kaming apat. Nandito kami sa bahay namin ni Seth.
"Mukhang hindi naman si Sinus ang gumawa nito satin eh?" Kaagad ko namang sambit. Natuon ang atensiyon nilang tatlo sakin.
"Anong ibig mong sabihin? Aurgh!"
Nabigla kami ng biglang mapahawak si Seth sa bandang ulo niya at napapikit pa na tila sumakit ang ulo niya. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Seth. Ayos kalang?" Nag-aalalang tanong ko at hahawakan sana siya sa balikat pero kaagad niya rin itong winakli ng mahina.
"P-pasensya na. Me-medyo pagod lang ako." Yuko nitong saad habang nakahawak parin sa ulo.
Tahimik lang kami.
"Mabuti pa siguro bumalik ka muna sa hospital. Magpagaling ka dun ng ilang araw dahil baka lumala ang sakit mo." Suhestiyon ko rito.
He laughed quitely. "Hindi nila malalaman ang sakit ko." Naguluhan ako sa sagot ni Seth.
"Hindi ba. Masakit ang ulo mo ngayon? Sakit yan diba?" Sabat naman ni Haki. Tiningnan siya ni Seth.
"Hindi normal na sakit sa ulo to. Isa itong sumpa galing sa devin ng ama ko. Dahan dahan nitong inuubos ang lakas ko hanggang sa umabot ang sumpa sa puso ko at hanggang dun nalang ang makakaya ng buhay ko."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya't 'di ko maiwasang mapatayo. Napadako ang seryosong tingin sakin ni Seth.
"Anong pinagsasasabi mo jan?" Ani ko rito.
"Totoo ang sinabi ko." Diretsong sagot ni Seth.
Isang sumpa? Devin ng ama.
Sinus.
..
..
Hindi kaya?
"Natatandaan kopa ang sandaling sinabi mo mismo sakin ang klase ng curse nayun bago ako nawalan ng malay sa gitna ng labanan." Sabi sakin ni Seth.
Napatingin naman sakin ang dalawa pang kasama namin.
"Sigurado kaba talagang wala kang naaalala, Noah? Baka merong biglang pumasok sa utak mo ngayon? On the contrary, hindi parin talaga ako naniniwala na totoo nga ba talaga ang pinag-uusapan natin ngayon." Komento naman ni Haki kaya't masama siyang tiningnan ni Seth na nakasapo parin sa ulo.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasíaAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...