Chapter Sixteen
Seth's Point Of View
The battle starts once again between the two remaining participants of this tournament kaya't tahimik lang kaming lahat na nanunuod sa laban.
"Guys. I need to accompany Noah. Kailangang may magbantay sa kaniya ngayon habang tulog pa siya. Hindi natin alam baka may magka interes sa espada niya." Biglang usal naman ni Zion kaya't napalingon ako sa kaniya.
He is definitely right. Tumango naman agad ako rito bilang pagsang-ayun. "You're right. You should guard him now."
"Bakit hindi nalang ako ang magbantay?" Turo ni Haki sa sarili niya.
"No. Just stay here. Ikaw ang humamon dun sa mananalo sa paligsahang ito. Right, Seth?"
Hindi ako agad nakatugon sa tanong niya. "Uhm. I guess you two should guard Noah right now. Mas marami mas kampante tayo sa kaligtasan niya diba?" Hindi ako sure sa rason ko.
"Pero ibig sabihin nun, ikaw ang maiiwan dito? Then that means ikaw ang hahamon sa kalaban? Hindi nalang ako sasama."
"Makinig ka, Haki. No choice tayo dito dahil hindi pa masyadong trained ang mga katawan nyo para sumabak agad sa bagay nato."
"Pero ganun din sayo, Seth. Matagal ka ring hindi naging batak sa training diba?"
"Pero hindi nawala sa katawan ko ang pagkakabisa ng mga galaw ko noon kaya't hindi na ito magiging bago sa katawan ko kahit na ilang buwan akong nagpahinga. Wag kayong mag-alala. Hindi ko itutulak sa limitasyon ang katawan ko. Tatapusin ko ang labang to bago pa ako manghina. Okay?"
Dahil dun tuluyan na silang sumuko sa pag dedebate sakin at nagpasya nalang na sundin ang sinabi ko.
"Gagawin namin to para sa kaligtasan ni Noah, Seth. Pero kung kailangan mo ng tulong utusan mo si Simon para puntahan kami maliwanag?"
"Naiintindihan ko, Zion. Kailangan nyo nang umalis dahil baka kung ano na ang nangyari sa taong yun ngayon."
"Sige."
"Goodluck, Seth."
"Salamat, Haki."
Nang makaalis na silang dalawa at nagmamadaling nagtungo sa isang medical tent yata kung saan nandun si Noah ay mabilis din akong napabuntong-hininga.
Hindi ko man aminin ito na talaga ang gusto kong mangyari simula palang nung natalo si Noah sa laban.
Nagpasya na ako sa mga oras nayun na ako ang hahamon sa kalaban dahil ako lang ang makakagawa nito sa amin.
Accidents may happen pero hindi ko hahayaang isa sa kanilang dalawa mangyayari ang bagay nayun. It's better to just let me carry that risk than them dahil mas magiging panatag ako kapag ganito.
Hinanda kona ang aking sarili at ilang beses akong naglabas ng malakas na buntong-hininga dahil napapansin konang malapit nang matapos ang laban sa aming harapan ngayon.
"Ayos kalang ba, Seth?" Nakabalik na si Simon na inutusan kong bumili ng bunny mask dun sa malapit na store kaya't nung inabot niya ito sakin kaagad kona din itong inilagay sa aking mukha kaya't nang tuluyan kona itong maiayos sa aking mukha muli akong lumingon kay Simon at nag thumbs-up sa kaniya.
"Kapag tumango ako sayo alam mona ang ibig sabihin nun diba?"
"Ibig sabihin nun, nasa limitasyon kana at kailangan kong sabihan si Zion na pumunta siya para siya na ang sunod na hahamon, tama?"
Ngumiti ako sa kaniya kahit na hindi nito napapansin ang ekspresiyon ko dahil sa maskara. "Aasahan ko ang tulong mo." Saad kopa.
"Mag-iingat ka, Seth. At...patawad."
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...