Chapter : 5- Nerdy Guy

100 15 2
                                    

Chapter Five

Noah's Point Of View

"Is he okay doc?"

"Yes. He's... Uh. He's definitely fine. Wala kang dapat ipag-alala. Walang nangyaring masama sa kaniya maliban sa pinsala ng kwarto. You can visit him now If you wan't."

"Okay doc. Maraming salamat po."

"Yeah. Yeah. Go check him."

At iniwan na ako ng doctor dito sa hallway matapos niyang sabihin sakin ang resulta ng kondisyon ni Seth.

Napaupo ako sa bleacher na malapit dahil para akong nawalan ng lakas dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa mga oras nayun.

Flashback:

**
Paulit ulit kong tinulak ang pinto gamit ang katawan ko para lang ito pwersahang mabuksan.

Nasa loob ang kwarto ng kapatid ko at sigurado ako na dito nanggaling ang pagsabog kanina lang.

Hindi kona maisip ng maayos ang gagawin ko. Wala ako sa sapat na katinuan at ang tanging nasa isip kolang ay ang mabuksan ang pintong ito para makita ang kapatid ko.

"Bumukas ka!" Malakas kong sigaw sabay sinipa ng buong lakas ang pinto kaya't nagulat ako ng tumilapon nga ang pinto papasok mabuti nalang hindi umabot dun sa bandang kama ni Seth.

"Seth!" Tawag ko sa kaniya at mabilis na pumasok sa kwarto.

Nagulat ako sa naabutan ko. Wasak ang dingding sa bintana banda kaya't medyo malamig na dahil sobrang lakas ng hangin mula sa pag-ulan.

Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng makita si Seth na nakahandusay sa sahig at walang malay. Talagang wala naman siyang malay noon pa pero pano siya nakababa mula sa kama niya kung nasa comatose state siya? Pero.. yung kanina. Hindi talaga ako pwedeng magkamali.

He just spoke a word. Nagsalita siya. Kaya't alam kong gising siya pero bakit ba kailangan pang ganito ang mangyari.

Kinuha ko si Seth mula sa malamig na sahig at napansing mainit ang buong katawan niya. Para siyang nagbabagang apoy kaya't mas lalo akong nataranta kaya't binuha ko agad siya at nilabas ng kwarto.

Mabuti naman at may nakarating agad na mga doctor at guards para tingnan ang nangyari sa kwarto na parang may kung anong bagay ang tumama rito dahil hindi pangkaraniwan ang pinsala ng dingding.

"Anong nangyari?" Tanong agad ng doctor ng mailapag na sa isang kwarto ang kapatid ko.

"H-hindi ko alam." Natataranta parin ako. "Iniwan kolang siya saglit para sana hanapin kayo dahil nagsalita siya kanina."

"Wait. Nagsalita siya?" Putol bigla ng doctor sakin.

"Yeah. He did."

"Anong sabi niya?" Tanong pa ng doctor habang ini inspeksyon si Seth.

Bahagya akong nag-isip. Shit what the heck did Seth said that time? I can't remember it.

"Um. He said—shit bakit ba nakalimutan ko yun. Ah wait. The word starts with 'S' or something. Hindi ko alam. Basta't nagsalita lang siya."

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon