Chapter : 13- Awakening the Power

104 17 2
                                    

Chapter Thirteen

Noah's Point of view

Everything happened so fast. Nagsimula kami sa isang mga walang muwang na highschooler and then bigla bigla may magsasabing nawalan kami ng memorya and it turns out totoo nga yun.

We were once warriors the four of us from the region called Eryldia, but unfortunately were casted out by a savage sorcerer with just a snap of it's fingers. But even still. Nakabalik na kami pero hindi sa mismong Eryldia region, kundi sa karatig rehiyon pa.

We need to find ways and answers kung bakit napunta kami dito. But maybe nasagot na ang bagay nayun sa mga utak namin. Maybe their is still some complications in that portal machine habang pumapasok kami dun and ended up here instead to the region we want.

Kahit na gaano mopa talaga sabihing perpekto na ang gawa mo. Meron at meron pa rin itong magiging problema o sira.

Pero siguro okay narin tong nangyari. Hindi kasi namin alam kung pano namin sisimulan ang plano kapag nandun na kami ngayon. We still need time to prepare kung ano ba ang dapat naming i react kapag nandun na kami mismo.

The day of the feast came at nandito kami ngayon ni Seth sa loob ng kagubatan para maghanap ng pwede naming gawing training ground bago magsimula ang tournament na sasalihan ko. Grabe talaga sila, sakin nila ipinapatong ang napakahalagang bagay nato kung saan pwede akong matalo at maging dahilan pa ng hindi namin paglayag sa dagat.

Baka ako pa ang dahilan ng tuluyang pagkagunaw ng mundo kapag nagtagal pa kami dito ng ilang araw pa.

"Siguro okay na dito." Tumigil kami ni Seth sa isang open field na mukhang one-fourth ang sukat mula sa isang buong soccer field.

Nasa tabing ilog lang ito na hanggang tuhod lang din ang taas. Lumapit ako dun at tiningnan ang mga isdang masayang lumalangoy. Hindi naman kasi masyadong malakas ang daloy ng tubig kaya't payapa silang naglalaro sa tubig.

"Mukhang magandang mangisda dito ah?" Nasabi kona lang sa sarili ko at nilagay ang palad sa malamig na tubig sa ilog.

"Tama ka. Pero unahin muna natin ang training mo para makapangisda tayo mamaya ng wala ng abala. Kailangan mo paring maging handa kahit na medyo malakas ka kumpara dun sa dalawa." Saad ni Seth at nag warm-up muna ng kunti ng buong katawan niya.

Dahil si Seth lang naman ang hindi nawalan ng memorya saming apat mula paggising niya. Hindi nawala sa kaniya ang kaalaman na dati pa niyang natutunan. Pero dahil medyo matagal tagal din kaming nawalan ng alaala nina Haki at Zion. Medyo nakakalimutan na namin kung ano ang mga galaw namin dati.

At dahil sa pag-eensayo. Baka bumalik din yun ng wala sa oras. Kailangan lang talaga naming maalala lahat. Lahat-lahat.

"Kahit na may sakit ka, hindi kita hihilaan ng suntok. Ibibigay ko lahat ko hanggang sa dumating ang tournament." Binaba kona ang bag sa lupa at nag warm-up nadin ng kunti kagaya ni Seth.

"Kunting basic attacks lang naman ang gagawin natin. Simpleng duel at close combat. Power controlling. Tsaka natin gagamitin ang mga espada." Tumango ako sa paliwanag ni Seth at napangiti siya. "Magsimula tayo sa close combat. Lumapit kana."

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon