Chapter Thirty
Seth's Point Of View
"Natagalan ka yata." bungad na sabi ni Sinus sa akin ngayon habang siya'y nakatalikod at nasa bandang dulo o bangin na parte nitong bundok ang pwesto kung siya nakatayo. Ni hindi man lang inisip na pwede ko siyang atakihin at ihulog dun kahit anong oras man na gusto ko.
Pero dahil sa pagod ko ngayon mula sa pakikipaglaban sa mga ulol sa kalagitnaan nitong bundok, parang wala akong gana muna ngayong kumilos, at isa pa, baka ako pa ang tuluyang mapahamak sa iniisip ko dahil kumpara sa kaniya ako lang ang pagod ngayon.
Saglit naman akong tumingala sa langit at napansin kaagad na unti-unti na itong nababalot ng maiitim na ulap at nagbabadya na ng pag-ulan dahil narin sa walang tigil na pagkulog at kislap ng kidlat, habang tila sumasabay naman ang malakas na bugso ng hangin na halos liparin na ang mga buhok at damit namin na samahan pa ng nakakapanginig nitong temperatura sa sobrang lamig.
"Alam mobang ang mismong lugar na ito ang pinakaunang lugar na nakasaksi sa pagmamahal ko sa Ina mo." biglang nagsalita si Sinus kaya't napakunot-noo naman ako, "dito ko unang tinapat na mahal ko siya. Ang sabi niya, dapat manonood lamang kami ng bituin kaya pumayag siya nung dinala ko siya dito."
Tapos narinig ko ang mahina at marahang tawa niya. Sa hina at simple ng tawang yun hindi mo talaga mapapansin kong hindi mo siya papanoorin talaga. "Halos maiyak pa nga siya nung malaman niya ang nararamdaman ko at hindi nito kayang sumagot kaagad dahil sa tila magkahalong gulat at tuwa."
"Kung ganun, sinagot ka niya sa lugar na ito?" tanong ko naman pero muli siyang mahinang natawa at bahagyang napayuko bago rin tumingala sa kalangitan.
"Hindi niya ako sinagot." iiling-iling niyang sagot sa akin.
"Kung ganun binasted ka niya?" tanong ko naman pero umiling ito ulit.
"Hindi siya sumagot. Ibig sabihin tumahimik siya hanggang sa makaalis kami sa bundok." paliwanag naman niya sa akin kaya't napangisi ako.
"Bakit tila masaya kapa sa nangyari? Hindi kapa ba nabasted ng babae?" saad naman nito sa akin.
"'Di tayo magkamukha kaya hindi talaga ako matutulad sayo."
"Nagiging mayabang kana." tapos bigla nalang din itong natawa.
Pero sa isang iglap lang din, tila biglang nag-iba ang atmospera nung sandaling tumahimik siya. Ang kaninang magaan na awra niya ay napalitan na ngayon ng awra na nakabalot sa kaniya kanina nung nasa bayan palang kami.
"Papa." sinubukan ko siyang tawagin pero biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig rin ang mahinang halakhak nito. Hindi galing sa kaniya ang boses kundi isa yung boses na sigurado akong nasa loob mismo ng katawan niya.
Isang boses ng demonyo. Hindi isa kundi lagpas yata sa tatlo o lima.
"Para malaman mo, pitong demonyo ang sumanib ngayon sa lalaking yan. Hindi mo kailangang bilangin na naaayun sa naririnig mong mga boses. Pakiramdaman mo ang buong presensya niya at dun mo malalaman ang nasa loob ng Power core niya."
Sinunod ko ang sinabi ni Set. Tinalasan ko ang senses ko at sa tulong din ng dalawang dragon na ito sa aking katawan, mabilis kong nakita ang tunay na awrang bumabalot kay Sinus ngayon. Napakaitim na enerhiya. Sa sobrang dami nito halos hindi kona siya maaninag dahil sa enerhiyang pumapalibot ngayon sa kaniya.
Kung normal na mata lang ang tumingin ngayon sa kaniya, hinding-hindi talaga mapapansin ang nakakakilabot na awrang ito na matagal ng nakapalibot sa kaniya.
"Ano ang ibig sabihin nito?" hindi ko maiwasang bulong sa sarili.
"Kilala ko ang awrang yan." rinig kong sambit naman ni Sekuya.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...