E P I L O G U E

84 9 5
                                    

Epilogue Chapter

Seth's Point Of View

Dalawang taon narin ang nagdaan matapos mangyari ang laban nayun. Ang labanan kung saan namatay ang aking Ama. Dahil lamang sa kaniyang makasariling desisyon, nangyari ang lahat ng gulong yun. Kaya't natural lang talaga na magalit ako o kahit sino pa man na makakaalam ng bagay nayun.

Pero. Sa bandang huli, nabago ang nararamdaman kong pagkasuklam sa kaniya sa bandang huli. Hindi dahil sa niligtas niya ang buong sangkatauhan kundi dahil sa kaniyang mga huling sandali sa mundo, nagawa niya akong tawagin sa pangalan ko.

Siguradong bilang Ama, masaya din siya sa sinabi niya pero bilang ang kaniyang anak, mas labis ang tuwang nararamdaman ko dahil sa tinagal-tagal nung isang beses nayun yun lang ang nag-iisang pagkakataon na tinawag at kinausap niya ako bilang anak niya.

Kahit masama man siya sa mata ng lahat, para sakin siya pa rin ang Ama ko. Sa huli, siya ang naging sikretong bayani sa huling sandali ng kwento. Bukod sakin at ni Set. Wala ng iba pang nakakaalam na si Sinus ang tumapos ng lahat. Nung makabalik ako sa aking mga kasama, hindi ko sinabi ang totoong kwento sa likod ng huling yugto ng labanang yun.

At ang dahilan nun ay simple lang.

Nung sandaling maglaho si Sinus sa mismong balikat ko, nagpakita ang higanteng pusa sa aking harapan. Sinabi ng Noba sa akin mismo ang huling bilin na ibinigay sa kaniya ni Sinus at yun ay ang 'wag ipapaalam sa lahat na ang Ama ko ang tumapos at nagligtas sa mundo.

Gusto niyang angkinin ko ang buong dangal at papuri dun. Siyempre hindi ako pumayag. Dahil hindi naman talaga makatarungan yun. Hindi yun kayang tanggapin ng loob ko. Pero sa bandang huli, napapayag nalang din ako sa gustong mangyari niya. Bilang kaniyang anak. Tatanggapin ko ang dangal. Pero para sa akin. Hindi ko yun tinanggap para sa sarili ko.

Tinanggap ko ang lahat ng papuri ng mga tao, para maialay ko yun kay Sinus ng palihim. Hiling niya yun eh kaya kahit medyo komplikado, hindi narin ako makakaangal pa.

Sa muling pagtatag ng magbabalik ng kaayusan sa buong Eryldia. Maraming bagay ang nagbago. Mga bagong pinuno na ngayon ang namamahala sa bawat nasyon. At sa tatag nilang lahat, tuluyang humina ang kriminalidad sa buong kalupaan.

Ang Floating city ay nakasasabay narin sa pag-unlad ng mga karatig isla. Tuluyang nawala ang kasamaang dulot ng mga pirata at hindi na sila matagpuan nino man.

At si Simon. Naging isa na ngang magiting at matapang na kapitan ng kaniyang barko. Isang beses lamang kaming nakabisita sa kaniya at ganun din siya sa amin at yun pa yung nagdaang malaking piyesta sa buong Eryldia.

Kahit saang bayan o kaharian mayroong mga handaan at kasiyahan.

"Nandito na ako."

"Happy birthday!" biglang sumigaw ng sobrang lakas ang mga taong nandito at tila nag-aabang talaga sa pagdating ko.

Nasa normal world kami at ngayon kolang naalala. Ngayon nga pala ang birthday ko.

"Nakakagulat naman kayo. Kaya pala naiwan ako sa library kanina dahil nauna na pala kayo ditong umuwi." ngiting saad ko naman at natawa lamang sina Noah, Haki, Zion at Shaina. Akala ko nga kinuha na sila ni Lord eh kasi biglang naglaho kahit kakalabas lang ng library.

"Make a wish."

At gaya ng sinabi ni Shaina sa akin ng nakangiti habang nasa harapan ko na may hawak sa cake, nag-wish nga ako. Pero bago ko hinipan ang kandila mabilis kong hinalikan ng sobrang bilis ang labi niya kaya't nagulat siya dun habang nagpalakpakan naman din sina Noah sa gilid.

"Grabe naman. Dapat ako nalang yung humawak sa cake eh imbes na si Shaina." bulong naman ni Haki kaya't natawa si Zion.

"Bakit, gusto mo rin bang mahalikan ni Seth? Hoy Seth. Halikan mo daw siya." asar niya sa katabi.

"Hoy. Anong pinagsasasabi mo diyan!" sigaw naman ni Haki rito.

"Talaga, Haki? Gusto mo rin mahalikan?"

"Isa kapa, Noah!"

"Happy birthday!" biglang pumasok naman ang dalawang panauhin sa bahay at may mga dala silang regalo.

"Si Mr. President pala."

"Uy, Tristan, kumusta?"

"Salamat at nandito rin kayo, Mr. President."

"Naku, bakit naman hindi? Ikaw ang tagapagligtas namin kaya't maliit na utang na loob lamang ito para sa katapangan mo. May dala akong gifts para sayo."

"Grabe. Ang dami nyo namang gifts kay Seth. Mr. President."

"Meron din naman sa inyo dito. Kaya 'wag kayong mag-alala."

"Talaga po?! Seryoso?"

"Oo. Nandiyan lang yan may nakalagay na pangalan nyo."

"Ayos!" halos maglundag na sa tuwa si Haki habang kinakalkal ang mga gifts sa tabi na walang tigil na dinadala ng mga tauhan ng president.

"Magpasalamat ka naman. Nakakahiya." natawa nalang din ako sa naibulong ni Zion. At nilingon niya naman ako. "halika na, Seth. Makikalkal narin tayo."

"Mamaya nayan. Kumain na muna tayo."

Masaya ang gabing yun kasama sila.

Marami man kaming gulong kinaharap.

Marami mang nakaraang minsan naring naging hadlang sa amin na makabangon, nanatiling matibay ang mga loob naming nilabanan ang mga yun.

Mga nakakalitong pangyayari at pagdurusa.

Lungkot at pati ang masasaya.

Magkahalo-halong emosyon at karanasan.

Mga nakakakabang pangyayari at nakatuwa.

Mga nakakagalit at nakakamatay na mga sitwasyon.

Mga pagpapaubaya at pagtitiwala.

Mga tagumpay at pagpapaalam.

Dangal at pag-aalay.

Marami na akong naranasan na maaaring mas higit o marami pa kaysa sa mga nabanggit ko. Ang mahalaga alam natin kung saan at ano ang ating mga pinagdaanan bago narating ang puntong ito ng ating buhay.

Matapos man ang kwento sa isang libro. Makalimutan man ng mga nagbabasa ang lahat ng yun sa paglipas ng panahon.

Hinding-hindi mawawala sa isip at puso nila ang natatanging saya nung panahong ito'y kanila pang binabasa at kinagigiliwan at kinaaaliwan.









Hayss.














Tanong lang.





Bakit ba...














Nakakaaliw talaga ang mabuhay?

The End

Grimmreaper18

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon