Chapter : 26- Savage

63 12 1
                                    

Chapter Twenty-Six

Noah's Point Of View

"Haki? Haki! Haki gumising ka! Gumising ka. Haki gising!" Paulit-ulit kong pilit niyuyogyog ang katawan nito pero hindi ko siya napansing gumalaw o nagmulat man lang ng kaniyang mata.

Napansin kong may pulso pa naman ito pero malaking pinsala ang natamo ng kaniyang tiyan dahil dun mismo tumama ang itim na bolang enerhiya ni Lon bago ito malakas na sumabog.

Nabigla din ako nung mabilis na napabuga ng dugo si Haki nung sandaling magising ito at tila ba'y kaagad din nitong naramdaman ang malalang natamo ng kaniyang tiyan kaya't malakas siyang napasigaw habang hinahawakan ang kaniyang napinsalang tiyan.

"Haki!" Sigaw ko rito at pilit siyang pinapakalma at kaagad naman niyang hinawakan ang kamay ko at tila ba'y nagmamakaawa ang kaniyang mga mata na wag ko siyang iiwan.

"Nakakaaliw naman kayong panoorin." Mabilis na nanlaki ang aking mata nung sandaling marinig ko ang boses nayun mula sa aking kanan.

Kaya't kasabay nang paglingon ko dun ay isang itim na bolang enerhiya na naman ang mabilis na bumulusok patungo sakin dahilan para mabilis ko din namang maiharang pahalang ang pisnge ng espada ko at kasabay nun ay binalot ko ito ng lava liquid energy.

At nung sandaling mabilis ngang tumama sa mismong pisnge ng espada ko ang itim na enerhiyang yun mabilis ko itong na deflect nang kunti at dumiretso ang takbo nito mula sa pisnge ng espada ko paitaas at sumabog naman ito sa ibabaw ko kasabay nang pagkakatalsik ko mga apat na metro mula kay Haki.

"Aba. Ang galing mo naman dun. Nakakabilib ka. Akalain mong nagawa mong mapaiba ang direksiyon ng atake kong yun? Wala akong masasabi." Nabalot ng kaba ang buong kalamnan ko dahil sa likod ko mismo ngayon nagsasalita si Lon. Habang ako ay hindi makagalaw sa sobrang pagkagulat.

Sobrang bilis niya. Nagawa pa niyang maunahan ang bilis na kayang takbuhin ng kapangyarihan niya.

Pero buong tapang kong hinigpitan ng hawak ang espada ko sabay malakas na winasiwas pahalang ang espada ko 180 degrees patungong likuran ko pero mabilis lang din yung sinalo ni Lon ng kaniyang kamay kaya't tanging ang kunting shockwave lang ang kumawala sa pagitan namin at literal na natigil ang nagbabagang espada sa kaniyang kamay.

Sinubukan kong mas idikit pa sa katawan ni Lon o igalaw ang espada ko pero kahit na nakangisi si Lon ay sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa espada ko.

Kasabay din nun ay sinubukan niya akong sipain ng harapan sa aking tiyan gamit ang kanang paa niya.

Pero mabilis din namang kasing bilis ng kidlat na lumitaw si Zion sa gilid ko na mabilis na hinawi ang paa ni Lon pababa sabay mabilisan ding sinampal ang dibdib nito na nababalot ng white energy.

Pero mukhang naalarma bigla si Lon dahil alam niyang isang Soul Keeper si Zion kaya't mabilis din niyang binitawan ang espada ko sabay nagmistulang nag teleport sa gilid ni Zion sabay paikot na sinuntok pahalang ang kaniyang batok at sa sobrang lakas nun ay tila naging turbo effect ang black energy mula sa kamao ni Lon nung tumama ito kay Zion sabay tumalsik patungo dun sa unahan dahil nga nasa mismong batok ni Zion nagmula ang force.

Sa sobrang bilis nun ay hindi kona naaninag pa kung nasaan na si Zion dun dahil ilang bahay din ang nawasak at nabutas dahil sa kaniyang pagkakatilapon.

At dahil nga ay naka pwesto na ngayon sa aking gilid si Lon. Ay mabilis ko din namang paikot na si nidekick siya sa kaniyang kanang tagiliran pero mabilis lang din siyang nakalipat ng pwesto sa likuran ko.

Kaya't mabilis ko din naman siyang muling hinarap pero nung sandaling makaharap na nga ako sa kaniya ay nagulat na naman ako dahil wala nadin siya dun.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon