Chapter : 31- Strike From Above

64 10 11
                                    

Chapter Thirty-One

Seth's Point Of View

Nandito na ang lahat ng mga dragon. Sa biglaang pagtawag ni Sinus sa Lava dragon dito na uusbong talaga ang tunay na problema. Kontrolado din ni Sinus ang dragon na ito kaya't ang kailangan nalang niyang gawin ngayon ay ang makuha sa akin ang mga dragon ko.

Pero kahit anong mangyari hindi ko siya hahayaang magawa niya yun. Poprotektahan ko ang mga dragon na ito anuman ang mangyari.

"Nasa kalagitnaan na tayo ng buong plano. Isang hakbang nalang at tayo na ang magwawagi." saad ni Sinus sa sarili pero alam kong kausap ng mga demonyong nasa loob niya ang bawat isa. Lumingon ito sa akin ngayon ng abot tainga ang ngiti. "at salamat sayo dahil hindi na ako mahihirapang hanapin ang dalawang dragon dahil nasa loob mona ito ngayon."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

Pero tumawa lamang siya't umiiling-iling. "Hindi moko mauuto, bata. Alam ko kung nasaan ang power core ng apat na dragon kahit saan man sila pumunta. Hindi moko kayang lokohin ng ganun lang kabilis."

Kung totoo man ang mga sinabi niya. Mukhang walang kwenta kong ssubukan ko siyang lokohin. Hindi biro ang kakayahan ng mga demonyong ito. "Akin na. Ang mga dragon." sabay bigla nitong nilahad ang palad sa akin.

"Akala moba ganun alng kadali yun?"

"Ikaw ang bahala." sagot naman nito, sabay pinitik ang daliri. At ang sumunod na nangyari ay ang malakas ding paghiyaw ni Laveen na nakalipad pa rin sa himpapawid sa may bandang gilid ngayon ng bundok.

Sabay bigla itong naglabas at nag-ipon ng isang malakas na red energy ball mula sa nakabukang bibig nito dahilan din para magimbal ako habang mas lumalakas ang naiipon na enerhiyang yun na halos mas malaki pa sa ulo ng dragon.

Pero si Sinus ay tila mas lalong napapangiti sa nangyayari ngayon. At sa isang segundong mabilis na pagbuga ng dragon na ito, tila kidlat na bumulusok ang red energy ball nayun na animo'y earth core sa sobrang init. Nahwi at nasunog ang bawat bahagi man ng lupa, malaking boulders, tubig gubat o kahit ang bahagi ng isang bundok ay hindi nagawang pigilan ang malakas na pagbulusok nito.

Para itong isang bulalakaw na dumaan lamang at sumunog o nagpawasak sa malaking bahagi ng lupa ngayon dito at base sa direksiyon nun, mukhang malapit lang yun sa lugar kung nasaan sina Noah at ang iba pa.

Hindi ko alam kung ilang kilometro ang tinakbo o inabot ng enerhiyang yun pero napansin kona lang din ang mahinang pagsabog nito at kunting usok na pinagsabugan nito. Hindi pwede. Sigurado akong malapit lang sa underground shelter ang pagsabog nayun na pinagtataguan nilang lahat.

"Sa pangalawang atake, hindi kona pagmimintisin ang dragon na ito. Kaya't mag-isip ka ng mabuti. Ibigay mona sa akin ang mga dragon kung ayaw mong sila ang magdusa sa katigasan ng ulo mo." saad naman nito sa akin kaya't mas napahigpit pa ang hawak ko sa hilt ng espada ko.

Ginagawa niyang hostage ang mga taong yun para lang dito. Bakit ba niya nalaman kung saan sila nagtatago? Hindi ko alam ang nangyari.

"Bibilang ako ng tatlo--"

Pero hindi na nito natapos ang sinasabi niya, nang mabilis pa sa kidlat naman akong lumitaw sa mismong harapan niya't mabilis na naisaksak ang green sword sa mismong dibdib niya't tumagos pa ito sa kaniyang likod.

Gulat ang mukha nitong napasuka ng dugo dahil sa natamong sugat at dahil tagos sa puso ang pagkakatusok ko na accurately natamaan ko naman, biglang tila lumabas ang ilang parte ng itim na awrang bumabalot ngayon sa kaniya sabay malakas itong humiyaw pero naglaho din 'di kalaunan.

"Kung ganun yun ang sagot." biglang saad naman ni Set sa isip ko. Ano bang ibig sabihin niya? "Bawat saksak sa puso ng taong yan dahan-dahang nauubos o nawawala ang pitong espiritu ng demonyo at naikukulong ito pabalik sa mga estatuwa nila. At ang espada lamang ni Noba ang nag-iisang kayang gumawa nito."

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon