Chapter Seventeen
Seth's Point Of View
"Hindi ko inaasahang ganito ka kalakas, bata. Mukhang kailangan ko palang dagdagan ang pwersa ng kunti." Napangisi ako sa kaniyang sinabi.
"Wala akong pakialam kung ano man ang gagawin mo." Hindi na ako nagsayang pa ng sandali at mabilis na kumilos patakbo kay Elijah at sa isang iglap lang ay nasa bandang kanan na niya ako. "Basta't ang gusto kolang ay tapusin na ang laban nato."
"Heh!, Pareho pala tayo ng iniisip." Saad din nito sabay mabilis akong hinarap sabay malakas na ini swing nito ang kaniyang kaliwang kamao tungo saking kanang pisnge pero mabilis kolang ding naiyuko ang ulo ko kaya't kasabay nung pagdaplis ng kamao niya sa sintido ko, mabilis ko ring naipalipad ang kaliwang kamao ko at malakas itong tumama direkta sa tiyan niya kaya't gulat itong napadaing at napabuga ng laway sa natamong atake.
Kung malakas ang mga suntok niya, malamang kailangan niya ng mas matagal na pag swing ng kaniyang braso para makuha ang sapat na momentum sa kaniyang suntok.
Kung sa normal na mata lamang ng tao malamang masasabi agad nila na sobrang mabilis at malakas din ang suntok ni Elijah pero para sakin, hindi nayun bago sa mata ko.
Mabilis niya akong hinawakan sa aking magkabilang balikat pero mabilis ko lang ding na twist ang kanang kamay niya sabay paikot na tumalon sabay pa swing ding sinipa ang kanan ding sintido niya. That was a direct and fast hit kaya't naging dahilan para malakas siyang tumalsik pagilid more specifically sa bandang kaliwa niya.
He rolled over many times to the ground bago ito tuluyang nahinto at bago pa ito tuluyang makatayo mabilis din naman akong lumitaw sa kaniyang likuran at nung sandaling isasampal kona ang edge ng palad ko sa kaniyang batok para sana tuluyan na siyang patulugin hindi ko inaasahang mabilis din niyang nai swing tungo sa likod ang kaniyang kanang braso kaya't dahil hindi ko ito masyadong naasahan at dahil narin sa sobrang bilis ng pangyayari, direktang tumama ang siko niya sa kanang tagiliran ko dahilan para mapadaing ako sa sakit at napaluhod sa lupa ang aking kaliwang tuhod.
Shit!
Sobrang lakas talaga kahit mga minor attacks lang niya. Kung nagkataon na tumama yun sakin habang nakaharap siya sakin malamang kanina pa nabali ang ilang ribs ko. Mabuti nalang at pasa lang ang natanggap ko.
Habang nakaluhod pa ako mabilis naman siyang humarap sakin ng nakatayo na sabay mabilis na ini swing pahalang ang kaniyang kaliwang paa tungo sa aking kanang sintido pero mabilis ko ding inihilig paatras ang aking leeg kaya't dumaan lang sa harapan ng mukha ko ang kaniyang mabilis na sipa tapos sinabayan ko ng handspring backward ng isang beses at nung sandaling makatayo na ulit ako.
"Wag mo akong mamaliitin bata!" Mabilis din naman siyang nakalapit sa mismong harapan ko sabay mabilis niyang nahawakan ang collar ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero masyado yung mahigpit kaya't imposibleng makawala ako dun. Pagkatapos ay mabilis din niyang isinuntok ulit sa nagkapasa kong tagiliran ang kaniyang kamao pero mabilis ko din naman itong nasampal pababa bago pa ito tuluyang tumama saking katawan.
Pagkatapos ay mabilis din naman niyang sinipa ng mismong harapan ang tiyan ko pero bago pa yun tuluyang makatama sakin, mabilis ko din namang nasiko ang kaniyang paa pababa ulit sabay walang pagdadalawang-isip na hinugot ang aking espada mula sa scabbard sa aking likod sabay mabilis na winasiwas ito sa harap para sana putulin ang braso ni Elijah na nakahawak ngayon sa aking collar.
And just like what i've expected, instinctively mabilis din niyang nabitawan ang collar ko at matagumpay din niyang napa iwas ang kaniyang braso mula sa range ng swing ng espada ko.
Nung saglit na masilayan niya ang espadang hawak hawak ko napansin kopa ang saglit na paglaki ng mata niya sabay mabilis din siyang pumaikot sabay mabilis na pinuntirya ng sipa ang kanang tagiliran ko ulit pero mabilis ko ding naiharang ang pisnge ng espada ko patayo sa aking tagiliran kaya't dun tumama ang sipa niya pero dahil sa full momentum ng swing kick niya mabilis pa rin akong tumalsik pagilid pero ilang metro lamang ang inilayo ko at nanatili pa rin akong nakatayo mga anim na metro mula sa kaniya ngayon.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantezieAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...