Chapter Twenty-Nine
Seth's Point Of View
"Hanggang diyan kalang!"
Bigla akong natigil sa aking paghakbang nang makita kung gaano karami ang mga bantay dito sa bundok bago ang mismong tuktok.
Base sa bilang ko, nasa lima—hindi. Anim pala lahat ng tauhan ni Sinus na nandito ngayon at nagbabantay. Kung hindi ako nagkakamali, mga immortal silang lahat.
Hindi kopa nabilang kung ilan ang mga tauhan din niya na nandun sa tuktok ng bundok na ito pero darating din tayo diyan.
"Kailangan mong bilisan ang kilos, bata. Hindi habambuhay maghihintay si Sinus para tawagin ang dalawang dragon at kapag nangyari yun, tiyak mas magiging madugo pa ang labanan."
"Oo. Alam ko ang bagay nayun, Set." Sagot ko naman sabay gamit ang kanang kamay nagpalabas ako dun ng isang yellow energy at hindi kalaunan bigla din itong naging hugis espada. "Kaya nga kailangan nating seryusuhin ang labang ito."
Sabay mabilis din akong tumakbo papalapit sa kalaban na nakaharang. "Umalis kayo sa daraanan ko!" At nung sandaling nasa isang metro nalang ang layo ko sa isang immortal na kalaban sinamantala ko ang pagkagulat niya sabay mabilis na nahiwa ng direkta ang kaniyang leeg gamit ang espada ko at umagos ang maraming dugo sa pugot na leeg nito.
At sabay nung pagbagsak din ng naputol na ulo niya sa lupa mabilis ko ding harapang itinusok direkta sa dibdib nito ang espada ko at mabilis itong tumagos sa likod niya.
At magkanabay din ay biglang nabalot ng itim na kidlat ang kaliwang kamao ko sabay buong bilis ding isinuntok yun sa kanang tagiliran nitong immortal na pugot ang ulo sa harap ko. Ang suntok ko ay bumaon sa tagiliran niya sabay tila nakuryente ang loob ng katawan nito dahil nagiging visible ang kaniyang ugat sa katawan pati sa mukha at kulay itim ito sabay binawi din ang aking kamao at sinipa ito papalayo sa akin.
Sa paraang yun, hindi makaka regenerate ang katawan ng immortal dahil ang napakalakas na kidlat nayun na walang tigil na kumukuryente sa buong katawan niya ay nagpipigil sa mga nerves niyang maka recover.
Espesyal na kidlat ang itim at ito din ang mas delikado sa lahat. Pwede rin itong tawaging Cursed lightning. At malaki talaga ang maitutulong nito sa akin lalo na sa pagkakataong ito ngayon. Kailangan ko din ang yellow energy para mapanatili ang walang tigil na sirkulasyon ng dark lightning sa katawan niya. Isang walang katapusang pagdurusa.
Hindi ko matatalo ang mga immortal nato kapag wala akong kasamang Soul Keeper. Kaya't imbes na patayin sila, pipigilan kona lang muna sila mula sa paggalaw. At isa pa, kailangan ko silang masugatan para mas eepekto ang planong ito na pigilan sila.
Pano ko to naisip?
Siyempre. May dalawang dragon akong kasama sa loob ko. Kaya hindi nakapagtatakang mas maalam ang mga nilalang na ito kesa sa mga tao.
Bigla namang nakalapit sa kanang gilid ko ang isa pang immortal kaya't napalingon agad ako rito. At nung sandaling nagpakawala ito ng isang harapang suntok gamit ang nag-aapoy nitong kamao tungo sa kanang pisnge ko, mabilis ko din namang nasampal pababa ang kamaong yun gamit din ang kanang kamay ko.
Sabay gamit ang kaliwang kamaong nababalot ng yellow energy tinangka kong harapang suntukin ang mukha nito pero mabilis din nitong naihilig pakanan ang ulo niya kaya't sumablay ako.
Sabay pahalang din nitong ini swing ang kaliwang paa para sipain ang kanang tagiliran ko kaya mabilis din akong naka pag somersault pakanan.
At sabay makalapag ulit sa lupa gamit ang kanang palad mabilis akong nagpakawala dun ng isang lightning bolt direkta sa mismong lalaking yun pero paikot lamang din itong gumilid kaya't dumiretso sa isang puno ang kidlat nayun na ikinawasak at ikinatumba din nito.
BINABASA MO ANG
Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]
FantasyAfter Seth was unexpectedly cursed by his immortal father with a life spell, he and his friend appeared to rescue him. But then an unexpected visitor known as the sorcerer suddenly arrived and causes the VerA group started to crumble. The four membe...