Chapter : 33- Seth

69 10 5
                                    

Chapter Thirty-Three

Shaina's Point Of View

"Ayos kalang ba?" tanong bigla saakin ni Noah kaya't nilingon ko naman siya habang yakap-yakap ngayon ang isang bata bilang panangga ang likod ko dahil kamuntikan ng may napakalakas na lightning strike ang tumama't tumapos sa aming lahat ngayon dito.

"Ano ang bagay nayan?" tanong na narinig ko sa isa sa mga taong nandito habang tinuturo ang isang direksiyon kung saan din ay sinundan ng tingin naming lahat at, magkahalong tuwa, gulat at kilabot ang aming naramdaman ngayon habang tinitingnan ang isang nilalang na nagligtas sa amin.

"Isang dragon?"

"Hindi ako pwedeng magkamali. Yan na nga ba yung sinasabi sa alamat?"

"Si Sekuya. Ang isa sa apat na maaalamat na dragon."

"Talaga? Hindi ko yata alam yun."

Ang dragon na ito'y may ginintuang balahibo at kaliskis. Sobrang nakakasilaw ng liwanag niya. Nakalipad ito ngayon na nakatalikod sa aming lahat habang nagpapakalat ng isang napakalaking yellow energy shield na halos sakupin na ang 1-kilometer radius ng underground shelter para lang mapigilan ang pagtama ng napakalaking lightning strike nayun.

Sobrang wasak ang buong paligid ng lupa sa kabilang bahagi nitong energy wall na ito at lubos talaga ang aming pasasalamat dahil nandito ang dragon na ito. Nandito si Sekuya.

Sobrang daming lightning strikes pa ang kumawala ngayon pero hindi rin naman nagtagal ay tuluyan itong tumigil pero hindi maikakailang napakalaking pinsala din ang kanilang nagawa ngayon sa paligid.

"Sekuya!" biglang sumigaw si Haki sa dragon kaya't napansin din kaagad siya ng dragon kaya't nilingon siya nito.   Lumipad ang dragon na ito pababa kay Haki habang ang huli nama'y tumakbo rin pasalubong rito.

"Ang sugat niya. Hindi pa siya dapat gumagalaw ng ganiyan. Delikado pa." bulong naman ni Noah habang nag-aalalang sinusundan ng tingin ang kaibigan.

"Pabayaan mona siya. Kailangan niyang gawin yan." ngiting sabat ko naman kaya't taka akong tiningnan muli ni Noah.

"Huling pagkakataon na niya ito para makausap ng direkta ang kaibigan niya. Nagpapaalam lang siya." at salamat dahil naiintindihan naman yun ni Zion.

Nung sandaling magkalapit na si Haki at ang dragon, saglit silang nagkausap na dalawa. "Hindi ko marinig ang usapan nila." bulong naman ni Noah kaya't natawa naman ako. Kahit ako, ganun din.

"Pero kahit na ganun. Alam naman natin ang sinasabi ng mga mata't puso nila. Nakangiti si Haki. At kahit hindi yun ganun ka-obvious makikita rin nating nakangiti rin sa kaniya pabalik ang dragon habang pinapakinggan siya." paliwanag naman ni Zion kaya't napatango naman ako.

Hindi nagtagal, napansin nalang din naming pinikit ng dragon ang kaniyang mata at marahang inilapat yun sa dibdib ni Haki.

"Mukhang oras na para umalis na siya." bulong ni Zion habang pinapanood ang nangyayari.

Niyakap pabalik ni Haki ang dragon at dun na ito nag-umpisang umiyak. Hindi niya talaga kayang itago nalang yun ng ganun katagal. Hindi posibleng mapigilan niyang malungkot lalo pa at isang mahalagang kaibigan ang nagpapaalam sa kaniya ngayon.

Halos umabot sa kalahating minuto ang yakapan nilang yun hanggang sa nagpasya nading naunang kumalas ng yakap si Haki rito at yukong ipinapahid ang likod ng palad sa kaniyang lumuluhang mga mata.

May sinasabi si Haki sa dragon pero hindi ko talaga marinig. Siguro sinasabi na niyang pwede na itog umalis. At ayaw niyang makita itong mawala kaya nakayuko lang siya. Pero bago pa man din tuluyang lumipad papalayo si Sekuya, itinaas naman nito ang kaliwang kamay at marahang inilapat sa bunbunan ng nakayuko ngayong si Haki.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon