[a/N: Updated na! yey! Please do leave comments if you want, i'll judge there para makapili ako ng winner na ipapakausap sa top 7 assassin crush nyo, vote and follow me, not compulsary, if you want lang naman :) sorry for the typos, not yet edited. keep reading guys! :) I think I'll end this at chapter 60 more or less]
[pic at the media side is a surprise! XD lol, basahin nyo nalang, well, I do not own that pic,well i also don't know what manga is that, my apologies, I just borrowed it to represent him and her----------------->]
[Cylann’s POV]
“Matutuwa kaya si Shein pag nalaman niyang ikaw ang gumawa nito sa kanya, Dianne?”
Hindi kumikibo si Dianne, alam ko na sya iyan, ilang beses kong pinilit ang sarili ko na hindi siya iyan, na hindi nya magagawa iyon sa kaibigan nya pero sa paghahanap ko ng dahilan ay lalo pang tumibay ang mga ebidensya na sya nga yung gumawa noon kay Shein.
“Paano mo nalaman?” sabi nya habang tinatanggal ang face mask nya at ang tali sa buhok nya.
“Kay Kurt.”
Nakita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
“Hindi ko alam kung paano nya nalaman sya ang tanungin mo, ang sinabi lang nya saakin ay bantayan ko si Shein at ikaw.”
“Hindi mo ako masisisi kailangan ko itong gawin.”
“Ikaw si Dominique hindi ba? Ang kapatid ni Dominic, ang kaibigang pinatay ko.”
“Tama na!” ibinato nya saakin ang hawak nyang patalim pero umiwas ako.
“Hayaan mong ikwento ko saiyo lahat kung paano ko nalaman.”
Cylann’s Flashback
“Si Shein?”
“Wala Kurt e, nakauwi na.”
“Eh si JD? Nasa clubroom?”
“Nakaalis na kanina pa.”
“Sige, salamat.”
“Bakit mo hinahanap si Shein?” hinarang ko sya sa gate, “Cylann.”
“Bakit?”
“W-wala naman, basta bantayan mong maigi si Shein. At si JD.”
End of Flashback
“Dual personality, ikaw si Dianne at si Dominique, traumatized ka dahil pinatay ko ang kapatid mo at doon nawala ang ala-ala mo. Lumabas si Dianne pero dahil sa panunumbalik ng ala-ala mo, doon lumabas si Dominique. Kaibigan mo si Shein at ayaw mo syang patayin pero kailangan syang patayin ni Dominique para makaganti saakin. Tama ba?”
“Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang paborito ni Master, matalino ka nga talaga, nagawa mo pang magresearch tungkol saakin.”
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...