Chapter 36 : The Visitors

103 1 0
                                    

[A/N : UD habang hindi pa busy, sorry uli sa mga typo, yung word na "namang" minsan nagiging "naming" kasi sa MS word, tinatama nya, mali naman. XD haha. Ano sa tingin nyo tatapusin ko na ba ng Chapter 50 o pahahabain pa? i need suggestions, yung maganda naman XD. kasi balak ko ata na hanggang 50 chapters lang, sana. pero kung gusto nyo, pahahabain ko pa, pag kaya ng powers ko :D, gusto nyo bang may date scene si Cylann at Shein, yung totoo, hindi sa panaginip? Suggest kayo ng places kung gusto nyo. :') yung lang, salamat sa pagsubaybay sa BHRE, again,  new cover of BHRE made by Ate @NicoleKate14, sankyuu po :)]

[Shein’s POV]

Nakakainip dito sa ospital, totoo pala yung mga nasa movies na hindi masarap ang pagkain dito. Gagaling kaya ako nito? Nako naman. Si Cylann kaya? Kamusta na kaya? Dumilat na kaya sya? Galit kaya sya saakin?

“Bruha ka!”

“JD!” aba! Binisita ako ng baliw kong kaibigan!

“Papatayin mo ako sa pag-aalala,” sabay batok saakin.

“Wala kang balak palabasin ako ng ospital noh! Sakit ha!”

“Oh, kakainin mo, magpagaling ka na nga, bored na ako sa room, walang makausap gaano,” ipinatong nya ang binili nya saging, ano kala nya saakin matsing? “Shein, si . . . Si Cylann kamusta na?”

“Hindi mo sya dinaanan?”

“Bawal pa daw bisitahin, hindi pa daw stable.”

“Oh, e alam mo naman pala , saakin mo pa tinatanong. Ang adik neto,” sinamaan ako ng tingin ni JD, “sabe ko nga e, tatahimik na.”

Nagkwentuhan kami ni JD tungkol sa lessons, sa mga mababait na professors, sa lovelife nya na si Kurt at madami pa.

“Uuwi na ako ha, gumagabi na,” tumayo sya saka ako hinampas sa braso, “sa susunod tumingin ka sa daan.”

“Oo, kung alam mo lang kung gaano ko sinisisi ang sarili ko sa nangyari ngayon kay Cylann.”

“Magagalit yun.”

“Oo, alam ko,” napayuko ako, alam ko naman, magagalit si Cylann.

“I mean magagalit yun sa ginagawa mo ngayon na sinisisi ang sarili mo, isipin mo ng isang daang beses kung bakit ka nya niligtas.”

“Ayoko nang iniisip mo.”

“It’s a love story, baby just say yes~” kanta ni JD sa ‘Love Story’ ni Taylor Swift, bwisit, nang asar pa, binatukan pa ako kanina, san ka pa diba?

“Umuwi ka na nga, iniintay ka na ni Kurt.”

“Heh! Pasabi kay Tita una na ako, wala kasi sya, kaya di ako makapagpaalam,” saka sya lumabas.

Hay, tahimik nanaman. Cylann, kamusta ka na?

“Anak, ano may masakit ba? Si JD?” tanong ni mama pagpasok.

“Wala po, umuwi na po si JD, mama, si Cylann po?”

“Hindi pa din stable anak, pero binabantayan sya ng mga doktor.”

“Ganun ba.”

“Ang bait ng classmate mo na yun, iniligtas ka, nagpapasalamat ako sa kanya at kasama sya sa mga dasal ko,” kung alam mo lang mama, gusto ko sya, sya ang taong nagligtas saakin ng madaming beses, alam kong hindi sapat ang ‘thank you’ sa ginawa nya, paano ko masusuklian yon?

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon