[A/N : Nakakatuwa pag nakikita ko yung first chapters ng BHRE, ang konti pala ng UD ko, 1 page lang XD, nag-iimprove ba? o hindi? XD yung casts pala, humahanap na ako ng ipopost na pics, haha! Saan ba pwedeng kumuha tumblr o pinterest? O sya, UD na, baka super madalang na ang UD pero pipilitin ko talaga, promise :) Dedicated po sayo, thank you po ulit :))))]
[Cylann’s POV]
“Okay na ‘to, cute naman ang nakuhanan ko”
“Bakit gusto mong masigurado ang feelings ko saiyo?”
“Gusto kita.”
“Wag ka ngang magpacute sa harap ko, sinasabi ko ito hindi para sabihan mo din ako na gusto mo ako o compensation sa pagliligtas mo saakin. Kusa kitang nagustuhan, hindi ko alam kung bakit, dahil sa lagi kang nandyan para saakin? dahil sa hindi mo pagpatay saakin? Hinanap ko na kung may ano ang dahilan ng feelings ko sayo sa dictionary pero wala talaga e. Pero kahit ano pa ang dahilan, gusto kita.”
Her voice kept haunting me, I even hear her cry inside my head. Anong ginawa ko, sinaktan ko siya, pero kung hindi ko ginawa iyon, hindi sya titigilan ng Circle.
“Cylann, oh my God please sumagot ka natatakot na ako”
“Cylann.”
“Cylann!”
Napabalikwas ako sa kama, bakit parang gusto ko syang puntahan? Gusto kong pumunta sa kanya at sabihing kalimutan nya ang sinabi ko. Humiga ako sa kama na sya ang iniisip. Hindi ba talaga ako pwedeng magmahal?
Nagising ako sa isang tawag ng hating-gabi,
“Cylann! Cylann tulungan mo ako please!” bumangon agad ako sa kama at nagbihis, pumunta ako sa dorm nya, please be alright pupuntahan kita.
Pagpasok ko sa kwarto nya, nakita ko siyang naliligo sa sariling dugo.
“Hindi!” tumakbo ako sa kanya pero hinarangan ako ni Chris.
“Ang saya hindi ba Cylann?”
“Papatayin kita Chris!” susugurin ko na sana si Chris nang nakarinig ako ng putok, nakita ko si Dustin na binaril si Shein sa puso. Paulit-ulit nyang ginawa iyon, at may bumulong saakin, “Cylann, hindi ka kasi naging masunurin.” Ang Master!
“Wag! Tama na! Tama na!”
Kring! Kring!
Bigla kong dinilat ang mga mata ko, panaginip lang pala. Isang masamang panaginip. In-off ko ang alarm ng phone ko, buti panaginip iyon, gagawin ko lahat wag lang mangyari yon, kung kailangang sirain ko ang Circle, gagawin ko.
Wala akong ganang pumasok, hindi ko alam ang gagawin ko pag nakita ko siya. Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Gustong – gusto ko siya makita, kahit madinig nalang ang boses nya. Pero hindi muna pwede, kung ganito kasakit, mas masakit siguro ang nangyayari sa kanya, kung pwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman nya sakin, pati ang galit, kukunin ko, pinaiyak ko nanaman sya. I’m sorry Shein, I’m really sorry, kailangan ko muna itong gawin, bago ko sabihin saiyo na gusto din kita.
Biglang tumunog yung phone ko.
Incoming call . .
Shein
Tinitigan ko lang yung phone ko, hindi ko alam kung sasagutin ko, pero hindi talaga sya tumitigil kakatawag.
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Подростковая литератураSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...