[A/N : Siguro alam nyo na yung mangyayari kasi title palang ng Chapter na ito e, haha! Nag-update agad ako baka kasi madalang na ako makapag-update pag nagsimula na ako sa work ko, dadalasan ko na yung update habang wala pa,pramis, haha, i'll try, and pag may nabasa akong cute or funny comments, i'll start dedicating chapters of BHRE :) so here's one memorable scene in BHRE XD, enjoy~]
[Cylann’s POV]
Sinusundan ko sila mula pagsisimba hanggang sa date nila ni Dustin. Pero hindi ako nagseselos. Hindi talaga. Sumakit lang yung dibdib ko nung makita sila, counted na ba yun? Tch. Kung anu pa man yun, hindi ako nagseselos. Hindi din ako defensive. Nakita kong napipilitan lang syang sumama kay Dustin dahil sa papa nya, tingin din sya nang tingin sa phone nya. Iniintay ba nya ang reply ko e heto na nga ako parang aso na sumusunod sa kanila. Hindi lang ako nagpapakita, baka ako pa ang maging dahilan para matanggal ang papa nya. Gagawa ako ng paraan para matanggal ka sa anino nya.
Hindi ako nakatiis nang makita kong gagawin ni Dustin yon. Is he crazy?! Kaya agad ko syang tinawagan para itigil yon. Papatayin kita Dustin, kapag ginawa mo iyon. Papatayin talaga kita.
[Shein’s POV]
Nakakaasar ka Cylann! Hindi mo alam kung gaano ko kinumbinsi ang sarili ko na dadating ka, na dapat maging matatag ako tapos, tapos, hindi ka dumating!
Sumakay na ako ng jeep, gusto ko nang umuwi.
“Saglit lang po manong.” Nakita kong pinigil nya ang jeep, hindi yung mala-Superman ah, humawak lang sya sa bungad. “Bumaba ka,” Hinila nya ako pababa ng jeep. “Sige na po manong hindi na po sya sasakay,” Dinala nya ako sa sakayan ng taxi, feeling ko gumagawa kami ng eksena dito.
“Ano ba Cylann?!”
“Baliw ka na ba? Aalis ka nang wala ako?!”
“KASI NAASAR AKO SAYO!” Tinulak ko sya at padabog na naglakad palayo pero hinawakan nya ang braso ko.
“Umuwi na tayo. And I’m not letting you go,” Wow. Sarap pakinggan ah. Parang walang hanggang pagmamahalan pero no. it’s a no. never.
Hinatak nya ako pabalik sa sakayan ng taxi.
“Aray! Dahan-dahan naman! Masakit!” Binuksan nya ang pinto ng isang taxi. Parang wala syang nadinig.
“Pasok na.”
Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng taxi, tumabi din sya saakin.
“Sa 143 street po,” Sabi nya.
Habang nasa byahe, hindi kami nagpapansinan, ni lingon, hindi ko ginagawa.
“hindi ka ba talaga magsasalita?” tanong nya.
Bumuntong hininga lang ako.
“Kaya hindi ako lumapit kaagad sayo dahil baka kung ano ang gawin ni Dustin sa papa mo. Mas lalo ka pang magalit saakin,” Napalingon ako bigla sa kanya pero nakatingin parin sya sa labas.
Para hindi magtantrums si Dustin at i-fire ang papa ko kaya hindi sya pumunta? Paano nya nalamang hawak ni Dustin ang dad ko?
“Kaya hindi ka pumunta nung tinext kita?”
“Mula pagsisimba nyo, nakasunod na ako, hindi lang ako lumalapit baka kasi mapansin ni Dustin”
Hala! Ito na ba ang sinasabi nilang wag agad mag-judge?
“Kaya ka ba nagalit kasi akala mo wala ako?” tanong nya saakin.
“Oo”
“Namimiss mo din pala ako”
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...