Chapter 37 : The Reason Why

102 1 0
                                    

[A/N : After 12345678910 years nag-update na din hahahahaha! Gusto kong ipair muna ang ShYle -> Shein x Kyle, wahahaha! osya basa na kayuuuuuuuuuuu :D]

[Shein’s POV]

“It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now.

Said I wouldn't call but I've lost all control and I need you now.

And I don't know how I can do without.

I just need you now ~”

“Bakit ba gandang – ganda ako sa boses mo?”

Lumingon ako sa likod ko.

“Jusme, kung may multo man, wag muna ngayon, wala kasi si Cylann e, balik ka nalang next time pero salamat sa papuri mo, tanggap ko.”

“Nakakatuwa ka kahit kelan, kala ko ba gusto mo akong gumising na?”

Paglingon ko kay Cylann, nakatingin sya saakin.

“WHAA!” kumuha ako ng unan at pinalo sa kanya.

“Aray! Nagpapahinga ako!”

“Ba’t mo ako ginulat?! Teka, gising ka na? WAAA! Gising ka na?! Salamat naman,” naluha ako nang makita syang gising na.

Umayos sya nang upo saka ako tinignan.

“Bakit ka umiiyak?”

“E kasi, galit ka saakin, kasi ako ang may dahilan kaya ka nagkaganyan.”

“Sino naman may sabing galit ako?”

“W-wala.”

“Hindi ako galit, ayoko lang na may mangyari sayo, ikaw naman kasi,” tapos ginulo nya ang buhok ko.

Si Cylann nga, gising na sya, gising na sya, paulit ulit iyon sa isip ko. Hindi sya yung nakapikit na natutulog, sya na yung iniintay ko.

“Isa pang iyak mo, paalisin kita dito.”

Pinahid ko bigla ang luha ko, “hindi na po sir.”

Kinuwento lang saakin ni Cylann kung anong nangyari. Ako naman guilty to the highest level.

“Oo na ako na, hindi ko nga alam kung paano mag-sosorry o paano babawe.”

Tumahimik sandali si Cylann, “saka na yung parusa mo.”

“At talagang meron?!”

“Gusto ko muna kasing malaman kung sino yung sumusunod satin. Nandito din sya nung isang gabi.”

“Paano mo nalaman?”

“Presence lang.”

“Baka sina Dustin at Chris lang yun,” nasabi ko na din kay Cylann na dumalaw sila sa kanya.

“Hindi,” napatingin ako sa kanya, “iba ang presensya na dala namin, iba yung sa isang ito, parang patago ang kanya.”

“Nakakatakot naman yun,” panibagong katatakutan ko nanaman ang dumating, hindi pa man nakakarecover si Cylann, may bagong kakaharapin uli.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon