Chapter 38 : The Other Personality

118 2 2
                                    

[A/N : Tagal kong hindi nag-UD noh, nakatulog na ang mga active readers ko pero happy ako kasi nadadagdagan yung reads ng BHRE :). New upcoming story ulit, hehe, magpapagame ako, kung sino ang may pinakanakakatuwa, nakakatouch at nakakaaliw na comment, bibigyan ko nang chance na makausap ang crush nila na isa sa seven assassins. Syempre sa story, idadagdag ko kayo na kausap yug gusto nyong character. :) just for fun reading lang, pipili lang ako ng isaaaaaa :) So read na :) ]

[Shein’s POV]

 

“For my mom,” natahimik ako bigla, he is the first one who gave me concrete reason why he became a killer, why he’d shed blood in his hands, “sorry, no furthermore questions.”

“Thank you.”

Umalis na din sya after ng usapan namin na yun. His mom. Si Tita Cheska? So revenge ba ang habol nya?

Saturday. .

Buti naman at next week pwede na akong pumasok sa school, I kind of miss that, yung toxic ka sa pag-aaral, pero habang nga-nga pa ako, nanunuod muna ako ng anime. Iniwan muna kasi ako ni mama, susunduin lang si Hanna sa labasan, medyo malakas kasi yung ulan.

*clack*

“Ma? Magsasaing na—“

“Hello. I’m looking for you little girl,” nakita kong nakatayo ang dalawang lalaki sa pintuan ng bahay namin na parehong may black tattoo ng ahas sila sa leeg. Yung isa red ang hair. They’re both in black jackets at ang mas malala pa, they’re both holding a long sword. As a normal person, magpapanic ka, magwawala at tatakbo pero kung ako ang pakay nila, I should be brave, wait, to face them kahit hindi ko kaya? Kakadischarge ko palang, ospital uli?

“N-no, sino kayo?” tumayo ako dahan-dahan at umurong para kumapa ng pwedeng ibato sa kanila sa coffee table pero mabilis yung isang lalaki, nasa tabi ko na sya bigla and he sliced the table kaya nabasag iyon. Tumakbo na ako papunta sa itaas, hindi pa ako nakakaakyat sa hagdan, nasa harap ko na yung kasama nya at sinipa ako sa tiyan. Tumalsik ako sa pader at napaluhod. Napapikit ako sa sakit, hindi ko alam kung sisigaw ako para tulungan ako, pero I don’t want to make a commotion at our home. Naluluha na ako. Feeling ko humapdi lahat pasa at sugat ko.

Sina mama! Pauwi na yun!

“Ano bang kailangan nyo?!” pilit kong tanong sa kanila.

“Your head, your heart,” bampira ba ang mga ito?!

Tumayo yung lalaking sumipa saakin sa harap ko, hinablot nya ang kamay ko at itinaas nang pilit, “aaaaah~!” tinototure ba nila ako, please kahit sino, kahit sino, iligtas ako.

“Scream. Before you die.”

*blag!*

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon