[a/N : After how many years noh, nag-UD din. namiss ko kayo, oh basta read na :)]
[Cylann’s POV]
“Okay ka na ba talaga?” tumingin ako kay Shean pagtapik nya ng balikat ko, nasa HQ ako ngayon para kumuha ng impormasyon.
“Oo, ayos na ako.”
“Ako na muna ang bahala sa mga doktor na gumamot sayo para may hindi mag-leak na kung anong na ikakasira natin. Dyan ka muna.”
Kaya bawal kami sa mga ospital dahil sa mga tests na ginagawa nila saamin, sabi nga beyond the capacity of a normal person ang kaya namin, due to some analysis na pwedeng malaman ang impormasyon na ito at malaman pa ng iba.
“Tsk,” napapadalas ang pagsakit na ulo ko, siguro nga kailangan ko pa ng pahinga.
“Bigyan mo ako ng isa.”
Umilaw ang screen, ang screen na kung saan ay nakakausap ko sya.
“Ang paborito ko, kamusta naman? Alam mo parin ba ang patakaran?”
“Oo, si Shean na ang bahala.”
“Kung ganoon, mabuti naman,” tch. Pathetic. You can’t control me to kill whomever you want dahil lang sa sila ang doktor na gumamot saakin. Yes, ang gagawin ni Shean ay patahimikin ang mga gumamot saakin, kaya nga ayaw na naming nagpupunta ng ospital, dagdag gawain at pagpatay ng inosente. That’s how life is said to be unfair, “Governor Michael Chua, he used his connections para hindi makulong sa salang paggamit ng bawal na gamot, I need you to kill him, ayoko nang pakikipagtalo nya saakin kung paano maitatago ang kasalanan nya, sa party bukas, 9pm, Resort AquaBlue sa 10th Village. For killing him you’ll receive 1,500,000, maliit ba?”
Napatingin ako sa screen, “I don’t estimate numbers easily, ako ang magbibigay ng presyo sayo from now on.”
“oh~ rebellion stage? Bagay sayo Cylann. Well then, come here if you’ve decided the amount,” tapos nag-off na ang screen.
Sino ka ba talaga Master? Or should I say the one who seeks person for killing.
“Cylann,” nakita kong papalapit saakin si Matt nang nasa gate na ako, “pakibigay ito kay Kyle, trabaho nya yan, hindi kasi sya nagpupunta halos dito.”
“Sige,” kinuha ko ang pulang envelope na iniabot saakin ni Matt.
Si Kyle? Hindi na dumadayo dito? Hindi kaya . . . . .
[Shein’s POV]
“Shein! Sama ka saakin sa party mamaya ha!” bungad saakin ni JD.
“Ayoko nga, hindi ako mahilig sa ganyan.”
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Novela JuvenilSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...