Chapter 33 : The Actor

120 4 3
                                    

[A/N : Hay, after 2 weeks, updated na din, super super x10 hirap sa work. Salamat sa 2,000+ reads ng BHRE :) Medyo maikli lang ang UD, pero sana ma-enjoy nyo :)]

 

[Cast no. 4 of BHRE - Kitami Hisame of 'Watashi ni xx shinasai' as KYLE , pic at the media side -------->]

[Shein’s POV]

 

“Woah! Ang sikat na artista na si Sky pupunta sa academy para sa shooting!” nagulat ako nang makita ang nakapost sa bulletin board.

“Excited na akong makita sya!”

“gusto ko kahit yung pinagkainan nya”

“Kikidnapin ko sya!”

Sige mga teh, push nyo yan.

Saglit kong tinitigan ang announcement sa bulletin board. Die-hard fan din ako ni Sky.

Walang nakakaalam ng tunay na pangalan ni Sky, parang writer sya who goes by the name Sky, pero artista sya. Ang galing kasi nyang umarte ng mapa-bad boy, gentleman o kahit mala-spiderman na lumilipad sa ere, ay hindi pala lumilipad si Spiderman, haha! Anyways si Sky kumbaga artistahin talaga.

“Yie. Shein pupunta dito si Sky,” sabi ni JD sabay lapag ng bag sa table nya.

“Nakita ko na JD.”

“Ano balak natin?”

“Wala.”

“Hala, pagkakataon mo na ito Shein! Diba may sampung magazines ka nya, tapos yung iniyakan mo na nasira na stolen shot mo sa kanya sa Yellowbelt at saka yung t-shirt mong may ‘SKY’, mababalewala lahat yun!” Ayan, inisa-isa pa.

“Matagal na yun JD, medyo hindi na ako fan ni Sky, may gf na daw yun.”

“wala pa kaya! Hello?! San mo nakuha yang balita na yan?”

“Sa bulsa ko, para tumigil ka na.”

“Che.”

Sayang ang pagod ko kasi wala daw klase, ano yun? I-wewelcome si Sky?

“Ay, Shein, ikaw nalang daw ang hindi nagpapasa ng assignment, ipasa mo nalang daw sa office ni Sir Santiago,” ay shete, oo nga pala.

Pinasa ko ang assignment ko sa office tapos dirediretso na ako sa room nang may marinig akong umiiyak na babae, Hoy Author! Horror ba genre nito?! Muntik pa akong masagi ng tumatakbong babae, paglingon ko kaharap ko na si Cylann.

“Ikaw?! Teka. Anong ginawa mo dun?”

“May sinagot lang akong tanong.”

“Anong klase ng tanong?”

“Kung gusto ko sya, sabi ko hindi.”

Aba. Kay Usui talaga sya pinaglihi ng nanay nya. Ang gwapong nilalang.

“Tsss. Sana man lang inayos mo ang pagsagot,” tumingin lang sya saakin, “oh, bakit nanaman?”

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon