[Shein’s POV]
“CYLANN!!”
“Aba’t sino ang—“
*boogsh*
*bang bang bang bang bang”
Then it was all black.
“u-uuh, aray”
Tamo nga naman buhay pa pala ako.
“Cylann?” pinilit kong umupo. Shete, sakit ng katawan ko. “asan ako? Anong nangyari? Anong oras na?” Binaggit ko ang mga linya sa movies. Oh great.
“nasa condo ko. Niligtas ko ang mahina mong katawan at kukote sa mga papatay sayo at buong araw kang tulog”
WAIT. ANO YUNG HULI? buong araw tulog?!! Teka!! Rewind pa!! mahinang kukote??!! Ba…naghahamon ba ito ng laban? Pero may utang na loob nanaman ako sa kanya.
“Wow ah, hinimatay lang ako sa takot pati kukote ko nadamay?”
Nga pala magpapasalamat pa pala ako. “Cylann.” Tumingin ako sa kanya at sakto nakatingin na pala sya saakin. “Salamat” pero deep inside alam kong mauulit ang mga gaanong pangyayari. Di ko lang pinapahalata pero natatakot ako.
“Babantayan kita wag kang mag-alala”
ASDFGHJKL!! Narinig nyo iyon?!
“Babantayan kita wag kang mag-alala”
“Babantayan kita wag kang mag-alala”.”
“Babantayan kita wag kang mag-alala”
“Babantayan kita wag kang mag-alala”
Ok na!! ok na!! ansakit na ng tenga ko e!
“Hoy..”
“ay pechay!” tae. My heart is like doki doki doki. “Matanong ko lang, bakit ka ba ganyan ka-persistent sa pagbuntot saakin? Diba sabi mo manahimik ako tungkol sa pagkatao mo, ginagawa ko naman”
“I like you” Yon ang sabe nya sa isip ko. Wahahahahaha!! De joke. Di ako assuming noh.
“makikinig ka ba kapag kinuwento ko lahat sayo?” yan ang tunay nyang sinabi.
“Oo sige”
[Cylann’s POV]
FLASHBACK
Bang! Bang!
“Very Good Cylann!!”
“Salamat po dad” I was trained to be an assassin.
That one is not my dad, my foster dad. Palaboy ako at oo, galit ako sa mundo, sa mga magulang kong matitino. Hindi ko na alam kung nasaan sila. Ayoko ng din silang makita.
Nagkaisip ako sa kalye. Mag-isa. I’m the weakest kaya pati mga batang kalye binubugbog ako. Pero I became strong, when was 12 years old, hari na ako sa kalye. Then he came, Ian Estanislao. He told me na may nakitang syang potential saakin. Pero ngayon ayoko na syang pag-usapan. Sumali ako sa Dark Circle, isang organization na iba ang paraan upang mag-alis ng masasamang tao, that’s right. Killing. Ang Circle ang nag-uutos saakin kung sino-sino ang mga dapat kong iligpit. Killing persons who have names but had dark secret. Like big politicians who are drug lords, mastermind of a massacre and other persons who does bloody job. Parang ako din.
END OF FLASHBACK
Pero syempre pili lang ang kinuwento ko kay Idiot girl. Masyadong personal ang buhay ko para malaman nya lahat. Hindi ko nga alam bakit ko sya inililigtas, kung tutuusin hayaan ko nalang syang mamatay para ala akong problema. Naawa ako? Siguro nga at dahil babae sya, hindi ako pumapatay ng babae at bata, hindi ko din alam kung bakit. Ang dami ko din hindi maintindihan sa sarili ko. Pero nung panahon na yun, nakonsensiya ako (Oo, meron pa ako noon), na patahimikin sya. Inosente siya. Hindi nya kasalanan na makita ang mukha ko. Ayoko lang na may mamatay dahil saakin. Ako lang ang galit sa mundo, hindi naman porket assassin cold hearted na ako sa iba. Kaya ako nag-aaral, nakikisalamuha sa iba. Dahil gusto kong maging isa sa kanila, normal. Pero hindi ko sinasabing isinasara ko na ang puso ko at gagawin ko nang bato dahil lang iniwan ako ng mga magulang ko. I’ll make them see na hindi ako mahina. Bakit ako naging assassin? Hindi lang pera ang dahilan, madami pa.
Ang magiging problema ko nalang kay Idiot girl ay yung Rule no. 1 sa code ng Circle.
[Shein’s POV]
“paano ako nasali?” tanong ko nang matapos ang MMK nya.
“You knew my identity right? baka isunod ka ng Circle, isa sa rules namin, dapat walang maka-alam kung sino ka. O kaya patayin ka ng mga may galit saakin.”
“HINDI KA NAKAKATAWA!” He just chuckled. Binato ko sya ng unan. Gagu ee. Buhay ko pinag-uusapan. Pero parang pilit yung tawa nya. Cylann gusto mo ba talaga ang trabahong ito? Gusto ko sanang itanong pero wala ako sa lugar.
Wala parin siyang imik.
“Cylann”
“matulog ka na.” tapos ay pinagsarhan ako ng pinto.
Na-badtrip ko ba siya?
[A/N : 2 chaps per day? wahahaha.. push ko 'to.. bukas na ulit ang UD]
-Vote.Comment-
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...