Chapter 15 : His absence

196 5 0
                                    

[Shein’s POV]

Ugh. Grabe tulog agad ako sa kama kagabe, pinahirapan ako ni Cylann kaka-check ng files.

Foundation day..

After ng opening ceremony, diretso na sa pag-aayos ng booths at pag-aasikaso ng costumers na galing din ng ibang school, open ang school for visitors kasi. Japanese Resto pala ang samin, may mga ramen at sushi, hindi kame pwedeng mag-Maid Café o Butler Café, kulang ang magaganda at gwapo saamin e. Plus, mga magagaling magluto lang ang nasa loob ng resto at pinili nila yung magseserve eh mga may itsura din, sina Chloe, Missy, Angela, mga fans din ni Cylann yan, speaking of Cylann,asan na yun?

“Shein, pakihatid ito sa Section A, may nag-order kasi.” Ha? Ah oo nga pala, muntik ko nang makalimutan sabihin, runner lang pala ako dito.

“Ah, sige.” Kinuha ko ang plastic bag na may lamang dalawang  take-out na ramen at sushi.

Pagdating ko sa room ng Section A, humanga ako sa ayos ng café nila. Ang gaganda ng maid nila, parang sa anime talaga.

“Yes?” Nakupo. Si Mae ito, yung cheerleader na suplada daw.

“Ah eh, may umorder daw dito ng ramen at sushi.”

“Ha? Wala ah. Hindi kami oorder nyan.” Eh loko pala ito e.

“Pakitanong muna bago ako umalis”

“Excuse me lang, pero we’re kinda busy.” Sabi nya in a nice pero para saakin sarcastic way.

“Sige, aalis na ako.” Tatalikod na sana ako nang --  “WAIT~! Mae hindi ka man lang nagsabi na dumating na sya.” Sumimangot lang si Mae at umalis na.

“Ikaw nag-order nito?”

“Yep! How much?” Tanong ni Jasper habang kinukuha ang wallet sa bulsa. “279 po sir.”

“Here.” Abot niya ng saktong amount.

“Sige po enjoy your meal.”

“Ops!”

“Ano nanaman?” ang kulit neto.

“Tingin mo bakit ako oorder ng dalawang meal?”

“Dahil dakilang matakaw ka?”

“Aray naman, syempre sasabayan mo akong kumain.”

“Marami po akong ginagawa, sir.”

“Uy,Keanna!” sabay kaway kay Keanna, yung president ng klase namin, remember?

“At bakit Ja?” Ja? Wow, me tawagan sila.

“May gagawin ba si Shein sa resto nyo? Sabay sana kameng kumain.” nakita kong kumindat si Jasper kay Keanna. At san nya nalaman pangalan ko? Sinabi ko ba sa kanya?

“Tsss.. Shein ikaw na bahala sa mokong na yan.” Sabay irap ni Keanna kay Jasper. Kinuha ni Jasper ang pera sa kamay ko at binigay kay Keanna. “Yan yun bayad ko”

“Okay sige. Mauna na ako, may gagawin pa ako, pumunta ka nalang doon Shein pagkatapos mong kumain.”

“Okay lang po ba?”

“Okay lang lunch time naman” sabay alis ni Keanna. Mataray sya sa panlabas pero ang bait nya pala sa loob, di tulad ni Mae, Tsk, asar yun kala mong anghel.

“Oh paano, tara na?” sabay akay saakin ni Jasper hanggang makarating kami sa may bench sa may garden ng school. Umalis sya saglit para bumili ng softdrink namin, pagdating nya iniabot nya sakin ang isang Coke in can.  “Kakain ka ha, bawal ang mahiyain, treat ko ‘to” sabay ngiti. Shemsss. Ang Yume-Guy ko. Ay erase erase. HA? Sino mahihiya? Sabi mo kumain ako eh,kakain talaga ako, MWAHAHAHA!

“Kaano-ano mo si Keanna? Girlfriend?” tanong ko habang kumakain.

“hinfdif kerer mmfrph.”

“HA? Teka nga! Ubusin mo yang laman ng bibig mo, manners naman.”

“Haha. Sorry. Ang sarap eh.”

“So ano, gf mo? Yieeeee”

“Hindi kaya. HAHAHA. Pinsan ko sya.HAHAHAHA. wagas ang tanong mo ah.” Wagas naman ang tawa mo.

“Aaaaaah~” kumain na uli ako. “Teka pala, sakanya mo din nalaman yung pangalan ko?”

“Nakita ko na yung i.d. mo nung nagdate tayo.”

“Excuse me? Hindi yon date, that’s forcing someone to eat with you”

“Katulad ngayon?” He chuckled.

“YES.” Sabi ko sabay subo ng noodles.

“Busog ako. Sarap ah.” Sabi nya sabay tapon ng pinagkainan namin sa basurahan.

“Ano nga pala ang ginagawa mo sa café nyo?”

“Ah, sa room 10 ako. Butler café.”

“Bakit hindi ka nakapang-butler kanina?”

“Nagbihis na kasi ako, gusto mo siguro akong makitang naka-butler suit noh!”           

“Wag kang mangarap.”

“Ouch, hindi ba ganoon kalakas ang powers ko sayo?” Haay, sa totoo lang sobrang lakas, ang kulit mo nga lang, sobra, to the nth power. “Salamat sa pagsama saakin” sabi niya sabay ngiti saakin.

“Wala yun. Babalik na ako sa resto namin.” Tumayo na ako at naglakad.

“Saglit! Sabay na ako, pupunta na din ako sa room namin.”

Buong araw akong busy, takbo dito at takbo doon, runner nga di ba? Sa gabi daw may fireworks display, oh di ba bongga. Student Council President may pakana. Ako nga din nganga nung marinig yun. Favorite ko kasi ang fireworks, nakakawala ng problema ang mga masasayang kulay nila, nung minsan nga, umiiyak ako pero biglang nagkafireworks, napangiti ako bigla.

“Wooooooooooo! Kapagod Shein! Bagsak ako sa kama nito!” sabi ni JD. Nag-ayos na din ang section namin ng resto kaya doble pagod. “Iintayin pa namin yung fireworks.”

“Ui, JD, magtatapat ka na kay Kurt sa fire—“

“HINDE!”

“Sino magtatapat saakin?”

WAAAAAAAA! SI KURT!

“KURT!” sabay naming sigaw ni JD.

“Aray.. nabingi ako ah, yo Shein” sabay wave saakin.

“K-K-Kurt, anong ginagawa mo dito? S-Si JD ba?”

“Ah, oo pinapasabi kasi ni Mia..” Ah, yung sa journalism club. “Magpahinga ka na daw, uutusan nalang daw nya si Dexter sa coverage ng fireworks.”

“Ah, yun lang pala” Sabay titig saakin ni JD.

“Sino yung magtatapat saakin?”

“Ay, palaka ka!” sigaw ko, paano ba naman tinapakan ni JD yung paa ko.

“palaka?”

“W-wala Kurt.”

“Jazz, intayin mo ako ha fireworks display ha, sabay na tayong umuwi after” sabi ni Kurt then umabas na sya ng room.

“Wow nemen, how sweeeeeeeet, sya lang tumatawag ng Jazz sayo.” tukso ko kay JD, kitang-kita ko paano mamula ni JD, sa galit o sa inis? HAHA. Jackpot JD.

“HEH! Asar ka talaga, pag nakita ko si Cylann tutuksuhin ko din kayo!”

Oo nga pala, hindi ko sya nakita ni isang beses ngayon, absent ba yun? Ay hindi, sya ang President e, siguro, sobrang busy.

[A/N : Next UD, uhm, baka thursday or friday pa :D , salamat sa pagbasa, pls do vote and comment for opinions.]

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon