Chapter 12 : His rival

211 3 0
                                    

[A/N : Gusto ko yung part na ito habang nagta-type ako. haha! so . . .read read na :)]

[Cylann’s POV]

 “Congrats Cylann! As usual ang galing mo parin!” bati ni Coach saakin.

“thank you coach”

“galing mo Cylann” sabi ni Greg, ka-team ko.

“Salamat, ikaw din”

“sama ka sa Chong’s Grill? Se-celebrate tayo”

“Hindi e, may gagawi—“ SHT. Muntik ko na syang makalimutan!

“Cylann?”

“Next time Greg, may hinahabol akong oras”

“sige tol, ingat”

Agad kong sinukbit ang bag ko pagkabihis ko at pumunta uli sa loob ng gym.

Huh? Where is she? Di ba sabi ko dito lang sya. Konting tao nalang kasi ang nandito.

Idiot girl.

“wag mo nalang akong iiwan, please?”

 

Anak ng—why did that flashback came to me again? Tch. Sya nagsabing wag ko syang iiwan pero sya din itong umalis agad. Niloloko nya ba ako?

Lumabas ako ng gym at naglakad palabas ng gate.sabagay makulit sya, e ano kung iniwan nya ako. It’s her loss. Pero tsk! FVCK. Bakit ba ako nag-aalala?!

“please help me find Tyrone, please..”

“kuya—“

 

Wait. Chris? Damn it! Bakit sya nandito?! Sa lahat ng papupuntahin nila, si Chris pa!

 -

 -

“Chris”

He seemed not to be surprised. Mas nasorpresa pa si Idiot girl nang hinablot ko sya palayo kay Chris.

 Si Chris, Alam nyang nandito ako. Alam din nya ang tungkol kay Shein.

[Shein’s POV]

“Magkakilala kayo?” nakakunot noo kong tanong sa kanila.

“Oo naman, we’re—“

“Let’s go” hinawakan ni Cylann ang kamay ko at lumabas, palayo kay Chris.

“Cylann!” tawag ni Chris pero hindi huminto si Cylann sa paglalakad. “Magkikita pa tayo” sabay ngiti nya na para bang may meaning behind it.

“Cylann.. Cylann” NAK NAMAN NG PUTING TOKWA O. Kanina ko pa sya tinatawag e! “CYLANN!”

“Ano ba?! Could you please shut up for a moment!”

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya. “Fine! Mag-isip ka muna dyan, sorry ha?! NAGUGULO KITA!” At nagmadali na akong naglakad palayo sa kanya.

Bwisit sya. Maybe I deserve some explanation di ba? Bakit ganoon sya? Ako na nga itong—hay di bale na nga! Makauwi na sa dorm. Tch.

 -

-

“IKAW?!”

“Yo.” Sabi nya sabay kaway saakin.

“May manners ka ba?! Basta basta ka na lang pumapasok sa—“

“Kaano-ano mo si Tyrone?”

“Get out.”

“Sagutin mo muna ako.”

“I said get out!”

Imbis na lumabas, hinila nya ako papalapit sa kanya. “Ano kayang meron sayo bakit ka nya itinatago?”

In a blink of an eye, nakita kong tumilapon si Chris sa mesa at bumagsak.

“A-anu bang—“ Nakita ko nalang si Cylann na humarang sa unahan ko at humarap kay Chris.

“Chris—“

“Sabi sayo Tyrone, magkikita pa tayo diba?” Tumayo sya na para bang hindi nasaktan. Gosh, tao ba sya? I mean sila ni Cylann?

Sabay silang humugot ng baril. ANO BANG INIISIP NILA?! SA DORM KO PA?!

“hindi ako mag-aalinlangan patayin ka Chris.”

“Same here Tyrone.”

“Umalis ka na..”

“Wow. Nakakatakot. Ano kayang meron sayo bakit ibubuwis ni Tyrone ang buhay nya pati ang Circle.” Sabay tingin saakin.

Napalunok ako. Cylann don’t deserve this. Dahil saakin?

“Kung ganoon ikaw ang may kagagawan nung hinabol sya pati si Paul?”tanong ni Cylann kay Chris.

“Alam kong malalaman mo Tyrone. Matalino ka kasi. Tsaka  natatandaan mo yung rule diba?”

“Akin ang problemang ito.”

“Napapaisip ka na ba?” He glared at me.

“Tumigil ka na—“ Bigla kong hinawakan ang braso ni Cylann. “C-Cylann, umalis na tayo” pabulong kong sabi. Mukhang naintindihan ni Cylann ang ibig kong sabihin, kinuha niya ang kamay ko at tumakbo palabas ng kwarto ko, at ng dorm ko.

 -

Pagdating sa park, hingal kaming dalawa dahil malayo ang tinakbo namin. Ibinato nya saakin ang hoodie nya. Isinuot ko nalang iyon dahil malamig talaga at naupo sa swing. Nakatayo naman si Cylann sa bandang kaliwa ko.

“Sa condo ko nalang ikaw matulog. Hindi kaya ng konsensiya kong iwan ka sa dorm mo. Baka balikan ka pa ni Chris.” Lumingon sya saakin. “Umiiyak ka ba?”

[Cylann’s POV]

Nang lumingon ako sa kanya, I saw her tears. Pero nang pinansin ko ay agad din nyang pinunasan.

“H-Hindi ah, makati lang ang mata ko.” Sa malayo pa din sya nakatingin.

“Sinong niloko mo.”

Hindi sya umimik.

“Natatakot ka ba kay Chris?” Bigla syang napatingin saakin. Alam ko na ang sagot.

“O-oo, medyo, h-hindi naman.”

“Kung ganoon, may itatanong ako sa iyo.” Lumapit ako sa kanya, sa harap nya. “Saakin? Hindi ka natatakot saakin?”

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon