[A/N : Dahil hired na ako sa job ko, eto ang UD para sa inyo, teehee, sana magustuhan nyo, vote and comment, read Destiny Syndrome too :), thank you minna-chii]
[Shein’s POV]
“Cylann! Cy—,” biglang may umagaw ng phone ko. “Oh my God!” Napatakip ako ng bibig nang makita kong nasa loob ng kwarto si Dustin. Madilim pero nakikita ko sya mula sa mga ilaw sa may bintana ng kwarto. Lumapit sya saakin dahan dahan, napaluhod ako gawa ng panlalambot ng tuhod ko.
“Si Tyrone si Cylann diba?” tanong nya nang makalapit na saakin.
Yumuko ako at pinilit ko ang sarili kong kumuha ng lakas. Nakita kong tinawagan nya si Cylann gamit ang phone ko.
“Harapin mo ako, Cylann!”
“Nasa likod mo”
Pareho kaming napatingin sa likod at nakita kong nakatayo si Cylann at nakatutok ang baril kay Dustin. Itinapon nya ang phone ko, tumayo at humarap kay Cylann.
“Tignan mo na naman ang pagkakataon” sabi ni Dustin papalapit kay Cylann. “Alam ko na alam nya ang tungkol sayo, satin”
“Wala syang kinalaman dito. Stay out of this”
“Is that a warning?”
“No it’s a threat”
I can feel the heavy presence they brought, both of them contains dark aura. Nakakatakot sila, parang kalmado pero ang bibigat ng ibinabato nilang salita sa isa’t isa.
“Magkikita pa tayo,” sabi nya sabay kindat saakin.
“Wag mo nang balakin,” sagot ni Cylann. Umalis na si Dustin, sa bintana sya dumaan, casual lang sya na tumalon pababa.
Nakahinga ako bigla ng maluwag. Nilingon ko si Cylann, nasa harap ko na pala sya.
“Ayos ka lang ba? Hindi ka nya sinaktan?” lumuhod sya sa harap ko, hindi parin kasi ako makatayo sa takot.
“Hindi, natakot lang talaga ako. Paano mo pala nalamang nandito ako saamin?”
“Nakita ko kayo sa park ni Dustin, nung makita kong umalis sya, umuwi muna ako sa condo saka dumiretso sa dorm mo, kaso wala ka na, tinanong ko kay JD ang address mo dito.”
“Ano na gagawin ko, magtatago nalang ako”
“Kaya nga sabi ko sayo, magpaalam ka man lang saakin”
“E kasi busy ka sa team”
“Tch. Tapos ano? Iiyak ka sa phone? Paano kung hindi ko naisip na tawagan si JD at itanong ka? Malamig na bangkay ka na ngayon?!”
“OO NA! Sorry na!”
“Aalis na muna ako”
“Wag!” Bigla syang napalingon saakin. “Ah eh—,”
“Babalik ako bukas”
Dug dug.
Dug dug.
Ano yun? Gabing gabi may nagbubungkal ng lupa!
Dug dug.
Dug dug.
“O-okay sige,”
“Magpahinga ka na,” At umalis sya. Ganoon ba talaga ang mga assassins/killer dapat sa bintana dumadaan? Sabagay hindi sya pwedeng dumaan sa pintuan sa harap.
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...