[A/N : Nag-update na ako, para sa inyo, teehee, salamat sa suporta sa BHRE, kahit crappy minsan ang update ko, pero nakakataba ng puso ang makitang nababasa nyo ang work of imagination ko :). May short story din ako, 'Destiny Syndrome' kung gusto nyo lang basahin, jaaaaa, UD na, pinag-isipan ko ang part na ito. haha!]
[Shein’s POV]
“Go Blue Rangers!” sigaw ng mga schoolmates ko para icheer ang basketball team namin. Matagal tagal din nung huli kong nakitang maglaro ang team sa gym na may kalabang ibang school. Kung normal na estudyante si Cylann pero assassin pala syang ibig sabihin yung mga nasa Circle din ay normal din pag umaga?
“Oy, cheer mo si Cylann,” sabay siko saakin ni JD.
“Ayoko nga, tsaka magaling na yan noh, keri na nya yan”
“Keri daw, e maka-tingin, yieee”
“Isa pa JD, bibigwasan kita,” baka bigla akong mag-blush nang wala sa oras.
“Ahahahaha!” Certified adik si JD.
Mauuna na akong umuwi kasi una, hindi ko naman talaga kailangang intayin si Cylann dahil hindi ko sya bf, at pangalawa, may celebration sila. Si JD nauna nang umuwi dahil sa pagdating ng tita nya galing probinsya. Kaya heto, the ever-traumatic-mag-isa-mode again.
Papalabas na sana ako ng gate nang—
“Shein!” sabay lapit nya saakin.
“O, Jasper”
“Pauwi ka na? Frappe tayo, libre ko. Diba friends tayo?” Aya nya.
“Oo na,” maganda na din itong may kasama ako para walang masamang mangyayari sa tuwing mag-isa ako sa daan. Haha. No to past bloody experiences.
Pumunta kami sa isang coffee shop, sya ang umorder, libre daw nya e, panindigan nya.
“Here”
“Sankyuu,” sabay abot ko at uminom.
“Kamusta ng exams?”
“Ayun, mas mataas sa pasang-awa. Ikaw siguro hindi pa pumapalya”
“Hindi naman, hindi ako kasing talino ni Cylann. Kamusta kayo?”
“Walang kami,” crush lang crush! One-sided pa!
“Pero balita ko close na close kayo”
“Assuming yung balita. Nako kung sino man ang nagkakalat, babalatan ko nang buhay”
“Chill ka lang, gutom lang yan, teka oorder ako ng makakain natin,” Tumayo sya at pumuntang counter.
Parang naramdaman kong may nakatingin saakin. Paglingon ko sa entrance ng coffee shop, nagulat ako nang makita ko si Chris. Walang patumpik-tumpik pa, sinukbit ko na ang bag ko at tumakbo sa isa pang pintuan ng shop. HALA! Naiwan ko pala si Jasper! Di bale na itetext ko nalang sya mamaya. Wag lang akong makita ni Chris. Anak naman ng tinapa oh, kinikilabutan na ako. Tumatakbo na ako pauwi nang dorm, ni hindi na nga din ako lumilingon sa likod e, tapos pinagtitinginan pa ako ng mga tao, iniisip siguro nila na may ginawa akong mali o tumakas sa kung saan.
Boogsh!
“ARAY! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!!” sabay naming sigaw.
“Ikaw ang tumingin! Nakayuko ka kasi!” Aba bastos ‘to ah.
“E loko ka pala e, nagmamadali ako e! Tumabi ka nga!” dadaan na sana ako pero hinarangan nya ako. “Aba bastos ka!”
![](https://img.wattpad.com/cover/17385174-288-k195242.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Novela JuvenilSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...