[A/N : Pahinga muna ako sa work, kaya eto, UD, kay @Cloudy20 lalaki po si Dominic, don't cha worry, iniisip ko pa kung may kaagaw si Shein kay Cylann :) and dedicated po sayo itong chap na ito, thank you po ulit :))))]
[Cast no. 2 - Higa Kaede of 'Barajou no kiss' as SHEAN , pic at the media side --->]
[A/N : Gwapo ni Shean noh , :D o syaaa~ UD naaa~]
[Cylann’s POV]
Bakit ba ang kulit ni Dustin? Tumigil nga si Chris, sya naman ang sumunod? At paano ko ngayon sasabihin sa babaing ito ang tungkol kay Dominic? Tch. Bakit ko ba inaalala, hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya.
Cylann’s Flashback 3 years ago
“Tyrone, hindi ba ang sayang makita silang nagmamakaawa sayo?!”
“Hindi sila ang pakay mo Dominic, inosen—“
“INOSENTE?! SINO?! SILA?” tinignan ko ang mga bata na naliligo sa sariling dugo.
“Bakit ka ba naging ganito? Ano bang gusto mo?”
“Hindi ba’t pinahirapan ka din nila Tyrone? Ang mga batang ganyan dapat mawala na!”
“Tulad natin, wala silang magulang, hindi ba mas masama ngayon ang ginagawa natin?”
“TUMIGIL KA NA!” tinutok nya saakin ang baril, nakita ko ang sugat ng mga karayom sa braso nya, hindi kaya—
“Dominic! Tumigil ka na!” Gumamit si Dominic ng isang gamot, iyon siguro ang kinuha nya sa isang lab na pinasok namin, isang gamot na kayang doblehin ang kakayahan mo sa kapasidad mo, pero sisirain naman nito ang pag-iisip mo, hindi ko akalaing gagawin nya iyon.
Nawala si Dominic sa harap ko, nakita kong pumasok siya sa isang gusali, nakarinig ako ng madaming putok. Tch, damn!
Tumakbo ako at sinundan siya, nakita kong wala nang buhay ang mga tao sa loob ng gusali, natanaw ko ang isang ale na yakap ang kanyang sanggol na patay na din. Noon, hindi napigilang magalit, hindi sila masama, hindi dapat sila yung mamatay!
Tumakbo ako at hinanap si Dominic, naabutan ko sya sa rooftop ng building.
“Dominic!”
“Tyrone!” tumawa sya ng malakas, “nakakatawa ka, inisip mo talagang magkakaibigan tayo?! Gusto lang kitang utuin para ako ang maging pinakamagaling, ang pigilin ka sa pagkuha ng mga misyon, pero bakit ganoon? Ikaw parin ang paborito?! Bakit?!!”
“Hindi din kita itinuring na kaibigan,” pero ang totoo..
“Huh?”
“Pinapatay ko ang mga taong walang silbi dito, mga taong gahaman, sakim sa kapangyarihan, mga umabuso sa kapangyarihan, pero ang mga nakita kong nakahandusay ay mga inosente!” itinutok ko sa kanya ang baril, kung ito lang ang paraan para hindi mo na magawa iyon, gagawin ko.
“Masaya ito! Masaya ito!”
“Susunod nalang ako sayo Dominic, sa impyerno.”
“Papatayin kita Tyrone! Pinatay mo si Dominic! Anong ginawa nya sayo! TARANTADO KA!” sigaw ni Chris saakin habang pilit siyang pinipigil ni Shean at Kyle.
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...