[A/N : Dahil romance po ang genre ng story, hindi mawawala ang isang date.. XD hahahaha.. nga pala, maglalagay na ako ng character reference ng BHRE, post ko nalang :D, kung sino as Cylann, as Chris, as Jasper, etc.. so here's the UD, enjoy~]
[Shein’s POV]
“Oh my gosh, hindi ko na alam ang gagawin ko, ano na gagawin ko? Paano ko sya maiiwasan? Paano ba mawawala sa isip ko si Cylann?! PAANO KO SASABIHING GUSTO KO NA ATA SYA?!”
“Eh di sabihin mo.”
Paglingon ko sa likod, nakadungaw sa bintana si Cylann habang nakapangalumbaba. Napatayo ako bigla.
“Para kang nakakita ng multo,” sabi nya sabay talon palabas sa bintana saka lumapit saakin.
Dahan-dahan akong umatras, at tatakbo na sana ako pero nahawakan nya ang braso ko kaya bigla akong napatili.
“Aaaa! Mmmmffr!” Anak ng tokwa! Takpan ba naman ang bibig ko!
“Ano ka ba?! Bakit ka biglang sumigaw?”
“Para may sumigaw”
“Narinig mo din?” Narinig namin ang mga estudyante sa paligid. Kaagad nyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo.
“T-teka!”
“Sa susunod please lang wag kang sisigaw,” sabi nya habang tumatakbo kami.
Dug dug.
Naman e! Oo na! medyo kinikilig na! Kasi diba ganito yung sa mga Shoujo Manga. OMO! ERASE ERASE! Hindi ko pa din nalilimutan yung ginawa nya!
Tumakbo kami papuntang 3rd floor at pumasok sa laboratory room. Isinara nya ang pinto at nilock, ako naman ay hinahabol pa ang hininga. Sa pagod ko, napaupo ako sa sahig at sumandal sa pintuan. Naramdaman kong naupo din sya sa tabi ko. Bakit ba ako sumama sa lalaking ito?! E diba iniiwasan ko nga?!
“May sasabihin ka ba?” nagkatinginan kami kasi sabay naming tinanong ito sa isa’t isa.
“Ikaw na muna, tutal may sasabihin ka saakin diba,” he grinned.
Lesson of the day : Wag magsasalita ng malakas, siguraduhing nag-iisa ka muna.
Tumingin ako sa kanya, nakatingala naman sya, parang iniintay nya ang sasabihin ko. Sigurado na ba akong gusto ko sya? Nyek e kung hindi sigurado, hindi ko maisisigaw ng ganon ang nararamdaman ko. Tsaka pag pinigilan ko ito, baka lalong lumalala, wait e kahit naman sabihin ko sa kanya wala pa din naming magbabago.
Naalala ko nanaman yung nagyari saamin sa cabinet.
“Eek!” bigla kong sinabunutan ang sarili ko na ikinagulat ni Cylann.
“Siguro nga nalilito ka na din, hindi na kita guguluhin, sorry sa ginawa ko” sabi ni Cylann at tumayo sya.
Wag. Wag ka munang umalis, hindi ko pa nasasabi sayo. Gusto kong madinig mo. Kahit na alam kong baka hindi ka maniwala o baka tawanan mo ako, pero sana wag mo akong layuan, mas lalong hindi ko ata kaya.
Hinawakan ko ang damit nya at saka ako tumayo.
“Sa-saglit lang.” Hindi umiimik si Cylann, parang hinihintay nya na tapusin ko ang sinasabi ko. Gulp. “H-hindi ko kasi m-maintindihan ang sarili ko, p-pero k-kasi—“
WAA! Sasabihin ko na ba? Baka sabihin nya dahil lang nahalikan nya ako pero hindi naman dahil dun! Nadevelop lang yung feelings ko na kahit anong iwas ko, hindi ko alam na pwedeng magswitch sa love agad diba dapat makakalipas muna ang 3 months?! T-teka! Sabi sa ‘My love from the star’ nung nagpakonsulta si Cheon Song Yi, yung pag-rely daw sa isang tao pwedeng maging love dahil din laging syang nandyan para sayo. OMO! So sure na itong feelings ko?!
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...