[A/N : Fresh from my mind ang UD ko na ito, haha! kaya kung crappy e sorry talaga, hindi ko naman siya minadali, pinag-isipan ko ito pero ngayon lang nai-type. Nakaka-30 chapters na! Dapat sa 30 chapters lang ang BHRE, pero humaba na nang humaba, haha! Simula sa Chapter 30 hindi na 'HIS' ang start, 'THE' na kaya yung title ay 'THE Job' , medyo nauubusan na kasi ako ng pwedeng idugtong sa 'HIS' ee.. Sa mga hindi pa nakakabasa ng 'Destiny Syndrome' na gawa ko, basa naaaa~ Ang chapter na ito ay almost flashback ni Cylann, pero fragments, hindi tuloy-tuloy yung importanteng parts lang ang inisip ko. Saka na pala yung CASTING, medyo tinamad maghanap ng pic, kaya thrill muna ang cast ng BHRE, Enjoy, Vote and Comment, sankyuuu~]
[Cylann’s POV]
May mali sa nararamdaman ko, bakit yung babaeng yun ang unang pumasok sa isip ko?
Paghiga ko sa kama, naalala ko nanaman yung mga panahong iyon.
Cylann’s Flashback
“Mahina ka pala e!” tumatawang sinabi ng batang kalye kagaya ko, “kala mo kung sino kang malakas.”
Iniwan nila akong nakahiga, pero tumayo ako. Ang hina ng ginawa nila, nakakaawa sila, ganito na nga ang sitwasyon, kasing pangit din ng ugali nila. Hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay sa kalsada. Sa pakikipag-away para sa pagkain at pang-aapi ng mahihina, kapag ikaw ang tumumba at hindi nakabangon, talo ka, yan ang iniisip ko dati.
“Ayan na sya! Takbo!” sigaw nila. Tinignan ko lang sila, mga mahihina, sa ganitong mundo dapat maging malakas ka.
“Mama, Papa, yung bibilhin nating damit ko po ha,” narinig kong sabi ng isang batang lalaki na kasing edad ko din halos noon, labindalawang taong gulang din. Magulang, magiging masaya kaya ako kung kasama ko sila? Tsk. Sila ang una kong sinisisi kung bakit ko dinanas ito, ang malupit na kapalaran ko.
“Sino ka?”
“Tawagin mo nalang akong Ian. Tito Ian kung gusto mo. Didiretsuhin na kita, may nakita akong potential sayo, ang mga mata mo, natutuwa akong tignan, gusto mo bang madinig ang offer ko sayo bata?”
Doon ko nakilala si Ian, pinakain ako at binihisan, tinuruan nya ako kung paano maging matapang na hindi nagpapatapak sa kung sino man at sa kanya ko din natutunan kung paano humawak ng baril. Tyrone ang binigay nyang pangalan saakin kaya yun din ang ginamit ko sa Circle.
“Kung mahina ka matatalo ka nila! Ganyan ka na ba kaduwag?!”
Matatalo ang mahina.
Kailangan maging pinakamalakas.
Yan ang palagi nyang sinasabi. Nagpapasalamat ako sa kanya sa pagkupkop saakin pero hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung bakit nya ako tinuruan kung paano pumatay. Kung ano ang balak nya.
Bago sya mawala may natatandaan akong sinabi nya saakin, “Tyrone, may dalawang desisyon sa buhay na kailangan mong pag-isipan, yun ay ang kagustuhan mo at yung kagustuhan nila.”
“Ito si Shean, nauna sya sa inyo,” nakatayo sya habang pinapakilala saamin.
“Anong gagawin namin dito?!” si Chris iyon.
“Chris ang pangalan mo hindi ba? Ikaw si Dominic, ang mayamang si Dustin at ang batang tahimik ay si Tyrone,” saka bumaling saakin ang tingin ng nagdala saamin doon.
BINABASA MO ANG
Beyond His Red Eyes
Teen FictionSa mundo ngayon, madaming imposible na posible pala. Halimbawa na one-hand na pagbubukas ng M&M's. Ang mas matindi, tumapon pagbukas mo. Pulutin mo, wala pang five minutes.. pero hindi talaga iyan ang kwento ko. . yung makakakilala ka ng gwapo, ng...