Chapter 23 : His feelings

199 3 1
                                    

[A/N : Dedicated po sa iyo dahil sa comments mo, thank you. And as promised, dadalasan ko ang update, edited na din pala ang ibang chapters ng BHRE XD, so eto na ang update, enjoy~]

[Cylann’s POV]

Hindi ako pumasok ngayon sa academy, ayoko lang na mag-iwasan kami. Mabuti pang ituloy ko nalang ang nakasanayan kong gawin.

Bumalik ako sa HQ para kumuha ng magagawa, para mawala na sa isip ko ang mga nangyari pati na ang nararamdaman ko, hindi ko mai-kalma ang sarili ko.

“Ang paborito ko,” sabi ng Master sa screen.

“Bigyan mo akong dalawa.”

“Gusto ko yan, sumisipag ka. Si Mr. Dela Cruz na may-ari ng Metals, ayoko ng pagamit nya ng binigay kong kapangyarihan sa kanya, masyadong inabuso. Si Clifford Hernandez, pinatay niya ang anak ng may-ari ng Diamond Center, ikaw na ang bahalang humanap sa kanila,”

“Sige”                                                                  

“Wala namang gumugulo sayo diba?”

“Wag mo nang pakialaman yon,” lumabas na ako ng kwarto.

“Tyrone.” Nakita ko si Shean na nakaabang sa may pintuan sa dulo ng hallway. Lumapit sya saakin. “Wag mo na sanang ulitin ang nangyari 3 years ago”

“Hindi ko maipapangako. Hindi ako tinatantanan ni Chris”

“Tyrone”

“Lalo na ngayon, may kailangan akong ilayo sa kanya”

Bumuntong hininga lang si Shean. Sya ang pinakamature na maituturing saamin, dedicated sa ginagawa at parating kalmado, magaling mag-isip ng plano.

Umalis na ako sa HQ, baka maabutan ko pa si Dustin hindi ko mapigilan ang sarili kong makipag-away sa kanya.

Una kong hinanap si Mr. Dela Cruz.

“Papaalis na po siya ngayon, nasa airport na po siya,” sabi ng katulong nang pumunta ako sa bahay niya. Sabi ko na nga ba, tatakas si Mr. Dela Cruz.  Pinaharurot ko ang kotse ko papuntang airport, I never fail, hindi mo ako matatakasan Mr. Dela Cruz.

Tinignan ko ang mga schedule ng flight : Los angeles, Tokyo at Paris. Yung iba cancelled na. Si Mr. Dela cruz ay may mga branch sa Macau, Spain, Tokyo, Cambodia at Los Angeles. Ibig sabihin hindi sya doon pupunta dahil malalaman naming doon sya magtatago.

Habang naghihintay sa flight, nakita kong pumasok si Mr. Dela Cruz, kasama ang mga bodyguard nya sa restroom. Talagang pinapalapit nya ako sa kanya.

Pasgpasok ko doon.

“Patayin nyo sya!”

Hindi pa man din sila nakakalapit saakin, napabagsak ko na sila.

“Si-sino ka?! Pinadala ka nya para patayin ako?!” nakatakip kasi ang mukha ko kaya hindi nya nakikita ang itsura ko. “Hindi mo ako—“

Boogsh.

Ayoko nang madami pang daldal Mr. Dela Cruz.

“Ano ba kasing ginagawa mo? Alam mo nasayo na ang lahat, gwapo ka, matalino, sikat tapos eto assassin ka. Alam mo bang mahalaga ang buhay ng bawat tao, bigay ito ni God sa atin tapos kapwa nila ang papatay sa kanila?!”

 

Napalingon ako bigla sa likod ko. Glad to know its my imagination. Napatingin ako kay Mr. Dela Cruz na nakahandusay ng duguan sa sahig, tinignan ko ang hawak nya, litrato ng pamilya nya. Napabitiw ako bigla.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon