Special Chapter : Father's Day Special

200 4 0
                                    

[A/N : Maikli lang ito, pero sana magustuhan nyo, ngayon ko lang inisip :D p.s. True to life ito, ganito kami halos ni Papa at Mama sa phone :D]

Calling Papa . . 

Aish. Tagal sagutin.

"Oh,hello. Nasa dorm ka na?"

"Opo papa."

"Kumain ka na?"

"Opo papa."

"Di ka man lang nagtetext, tanong nang tanong ang mama mo."

"Sorry po, medyo pagod sa school. Mag-aaral po ako ah, kaya medyo magpupuyat ako."

"Yan, mabuti yan, mag-aral ka, pero wag kang magpuyat. Oh heto Mama mo." sabay abot ng phone kay mama.

"Ma. . alam mo naman na may foundation week kaya busy kame ee.."

"Nako! Papa mo lang me sabi non! Sya talaga ang tanong nang tanong sayo."

"AY! Nakooo.. sige ma, pakibalik kay Papa." binalik ni Mama kay Papa ang phone.

"Oh hello, paload papa ah, love yah bye bye."

"Puro ka load."

"Wahahahha!"

tut tut tut.

Ay ! ang Papa ko talaga! Aish. :D

[A/N: Happy Father's Day to all great Dads out there!]

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon