Chapter 35 : The True Feelings

136 1 0
                                    

[A/N : YAYYY! Bago ang cover ni BHRE, gawa yan ni @NicoleKate14, ganda noh! Ang original character talaga ng BHRE ay Ulzzangs e, kaso napahilig ako sa Shoujo manga kaya ayun pinalitan ko ang cast, pero dito sa cover si Lee Chi Hoon yan, si Cylann yan, gwapo noh, ang cute ng cover kasi parang different faces ni Cylann ang nakapost, eeeeeeee, kinikilig ako, nyahahahaa! thank you po Ate NicoleKate, I lurv it! :D, dahil dyan, dedicated sayo ang chapter na ito :)))) , at pahabol pa pala, haha! @Jaeqo15, sorry kung laging may typo, hindi ko na napapansin e, sa desktop kasi ako nagtatype hindi kay lappy, naghahang kasi, ipapagawa ko pa, ang title nung kinanta ni Shein ay 'I'll be there' ni Julie Ann San Jose, theme song ng Kdrama na 'Lie to Me' sa GMA 7 dati :)]

[Shein’s POV]

“Kyle,” nagulat ako nang makitang papalapit si Dustin. Magkakilala sila? Classmates? O Pareho ng trabaho? Nakakalitong buhay naman ‘to.

Nakita ko sa sulok ng mata ko na may papalapit na gwapong nilalang.

“Aray! Dahan-dahan naman Cylann!” lagi nala akong hinahablot neto, nasasaktan na ako ah! Bibigwasan ko ‘to!

“Wag kang lalapit sa kanya,” hawak parin ni Cylann ang braso ko, wag kang kiligin shein, wag kang kiligin.

“Hindi ba dapat ako ang magsabi sayo nyan? Pareho lang tayo, besides I knew her before you do. Akin sya sa simula palang,” nung bata pa ba kami yung tinutukoy ni Kyle?

“Don’t claim her, walang nagmamay-ari sa kanya.”

“Woah, hinga ka bro. Alam nya ang tungkol saatin? Ikaw din Dustin, you like her?”

Hindi sumasagot si Dustin, bumuntong hininga lang sya at humalukipkip.

“Ayokong makipag-away sayo Cylann,”

“Ayoko din Kyle, kaya wag mo syang lalapitan.”

“Hay, kahit kelan ang seryoso mo talaga, bumibigat na ang atmosphere, iwan ko muna kayo, babalikan ko ang prinsesa ko,” huh?! Prinsesa?!! “kukunin ko sya uli.”

Umalis na si Kyle, so si Dustin at Cylann nalang.

“Bakit mo kilala si Kyle?” sabay nilang tanong.

“Woah, dahan-dahan. Kasi kababata ko pala sya.”

“Deceiving eyes, yn si Kyle, hindi mo alam kung nagbibiro o totoo na, kaya sya naging artista dahil sa paggawa ng iba’’t ibang emosyon. Mag-iingat ka,” sabi ni Dustin.

“Bakit sayo ba hindi ako dapat mag-ingat?”

Natawa sya, “eh di mag-ingat ka din saakin, kahit naman lumayo ka, lalapit pa din ako, di ba Cylann?”

“Wala ako sa mood makipagbiruan.”

“So do I. Hindi lang ako ang may kailangan sayo Shein, mag-iingat ka,” kumindat sya bago umalis, yabang talaga.

Tahimik kaming naglalakad ni Cylann, ang awkward, wala kasing nagsasalita saamin.

“Ang tahimik mo, galit ka nanaman ba?” ako na ang unang nagsalita, ayaw nya e, baka mapanisan ako ng laway.

“Ano ba ang meron sayo?”

“Ha?”

“Bakit malapit sila sayo?” walang emosyon na tanong ni Cylann.

Beyond His Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon